A/N: Thank you sa paglagay sa RL mooo =))) May God bless you!
Enjoy!
======================================
" Oh! Ayan yung liver steak mo! Buo pa yan, at wag mong isiping may laway yan! Kundi bubugahan ko yan ng laway sa harap mo mismo! "
Hindi na lang siya sumagot bagkus, lumakad siya papunta sa sofa at naupa dun. Mukhang may pinoproblema ang isang to!
" Kyuna, yung BAM, kailan ulit yun? "
" Nest week, Monday. six ng hapon hanggang seven ng gabi ang 1st round. Bakit? "
Agad naman siyang namutla at bumuntong-hininga. Akala mo nga pasan niya ang sandaigdig! Ano kaya ang problema nito?
" Itago mo na yung ulam sa loob. Aakyat na ako."
Ano bang problema niya? Pwede naman niyang sabihin ah. Gusto ko siyang lapitan at tanungin kaso, ukhang mag-aaway lang kami pag ginawa ko yun, so wag na lang.
Niligpit ko ang liver steak at umakyat dun sa kwarto ko dati. Kaso pagpasok ko... banyo na siya T__T.
Tumakbo ako papunta kay Night pero nadatnan kong natutulog na siya. *sigh* Kahit matulog mabangis pa rin ang aura niya. Bagay na bagay sa pangalan niya ang katangian niya. So.. paano to Kyuna, san ka matutulog ngayon?
Paalis na sana ako nang may mahagip ang mga paningin ko na isang invitation. Yun yung binigay ko sa kanya kanina. Kinuha ko ito at tiningnan ang loob. Sabi naman kasi nung babae kanina na para daw ito sa b-day ng kanyang kapatid. May kapatid pala talaga si Night. Kanukha niya kasi yung kapatid niya dito sa picture.
Tiningnan ko kung saan at kailan magaganap ang party. Next wednesday na pala itong party na to at five ang umpisa. Sa Wednesday magaganap ang last battle. Kung sakaling manalo ang Knight Acad sa lahat ng laban... imposibleng makadalo pa si Night sa party ng kapatid niya.
Wala akong kapatid, pero nagkaroon ako ng pamilya. Nakakalungkot kung hindi mo sila makikita ng matagal. Kaya naman, naawa ako sa kapatid niya. Kailangan niyang pumunta sa party na ito. 5-8 ang party. 7 matatapos ang laban. Ang kailangan ko lang gawin ay pabagsakin sila Night ng mabilisan para makahabol siya.
"Ang sama ko pero isa lang ang panalangin ko para sayo Night... sana matalo kayo sa BAM."
Pinihit ko dahan-dahan ang doorknob nang marinig ko ang boses niya.
" Hindi mangyayari yan... mahal ko sila.. "
Palabas na ako ng marinig ko ang mga sinabi niya. Sinong sila ang tinutukoy niya? Pamilya..o....kaibigan?
=============================
3 days later
Nitong mga nagdaaan na araw, wala akong ibang ginawa kundi i-train ang mga alagad ko. Kinakamusta ko rin si Mon. Pumasok na rin pala siya. Kaya naman, kumpleto na kamng sampu. Yung iba sa amin, andun pa rin sa hospital, nakahilatay. Yung iba kumatose at yung iba, patay na.
Ilang araw at linggo na ang nakalipas pero nagkakaroon pa rin ako ng second thoughts sa planong ginagawa ko. Gusto ko maging kaibigan si Night. Gustong-gusto ko talaga. Kaso... parang sinabi ko na ring gustong-gusto kong ahasin ang mga alaga ko.
Nilagay ni Night sa kapahamakan ang mga kaibigan ko. Malala ang natamo naming kapansanan kaya naman, deserve niya ang parusang gagawin ko para sa kanya.
*door opens*
" Andito ka na pala. " nilagay ko muna yung floor polisher sa isang tabi at saka siya pinaghain ng makakain.
