#15

143 2 0
                                    

Dear Lord,

Mag-eeight o'clock na po. Kaninang 4 pa kami andito ni Night sa beach at ilang oras na po akong nakatitig sa horizon. Malamig na rin po ang simoy ng hangin. Kailan niyo po ba balak tusukin sa pwet 'tong kasama ko? Di ko po kasi alam ang way pauwi. Siya lang po ang tour guide ko.

Lubos na nawawalan ng pasensya,

Kyuna.

Sa totoo lang ginawa na lahat ng body powers ko na kargahin siya palabas kaso minalas nga naman dahil nalow bat na nga ako, di ko pa siya makarga. Paano na lang ako uuwi nito?! Ano ba yan, parang naman nasa Survivor Philippines ako. No way out but there's a way in. Tss.

Grr~

Oh dear tummy,

Sige kumulo ka muna diyan, mamaya lalamon tayo. Don't worry! =((

Actually, napagtripan kong sulatan 'tong buhangin kaso nawawala rin kasi nababasa ng tubig. Ito lang naman ang libangan ko dito e.

" Sabihin mo nga, san ba ako nagkulang?! Sa pera ba? Sa pananamit?! SAAN?! "

" Hindi ka nagkulang jas, ako ang nagkulang. Di na kita kayang panagutan. "

Pag sinuswerte nga naman, may tao pa pala sa beach na 'to. Kaso mukhang nag-aaway, pero baka pwede akong makahingi ng tulong, mas mahalaga naman siguro ang tyan ko kaysa sa away nila diba?

*PAK*

" WALANG HIYA KAAAA~ "

Tumakbo na ako dali dali dahil nakikita ko sa dilim ang hawak na swiss knife ng babae, mukhang papatayin pa niya yung guy. Naku naman, kasi naman e, di na lang panagutan ni guy, masyadong namang choosy ng couple na ito. Dito talaga sila magpapatayn sa beach, e diba dapat exclusive for romance ang beach?

" SANDALI!!! " tumakbo ako papunta sa dalawang tao.

Napatingin sa akin si girl with her infamous eyeball-dropping-eye look. Siguro mukha akong multo sa kanya, nakaputi pa naman ako.

" Huminahon po kayo ate. Nasa beach po tayo, walang nakakakita ng ginagawa niyo... pero.. Siya..nakikita niya. " hinga na hngal kong sinabi at tumuro pa talaga ako sa horizong to symbolize God's presence.

" CUT~  Saang lupalop ng daigdig mo hinanap yang extra na yan ha, Albert?! GOODNESS!! Pang 5th take na natin 'to! Kailan tayo matatapos nito?! Next week na ang deadline ng project na 'to! Magagalit sa akin si Charo e! "

Unti-unting lumapit sa akin ang isang lalake at tinapatan ako ng flashlight. MY EYES O_O -_-...

" KYUNA?! " sagot nung lalakeng sinampal kanina. Wait nga lang... ang gulo, anong nangyayare?! Lumapit lang naman ako para tpigilan ang away, tapos ngayon may nagsabi ng cut, and basically, sinasabi lang naman yung pag may....

" Nag-tataping kami dito, hija, ok na sana e, bigla ka pang lumitaw, saan ka ba nanggaling?! "

"Wait direk, kilala ko po siya. Kaso, Kyuna, saan ka galing? "

" Ahh...ehh.... ano.... dun sa kabilang dulo. So-sorry... " tatalikod na sana ako kaso..

" Wait, ano bang inagawa mo dito? "

" May kasama kasi ako, kaso nakatulog siya at ayaw ng magising, di ko tuloy alam kung paano umuwi. "

" Direk, bukas na lang ok. Promise bukas, tatapusin na natin 'to. I'll make sure that macocomplete natin siya 3 days before the deadline, that's if... you won't pressure us, diba Hannah. " tumayo si Jinro sa at inakbayan si Hannah. Loveteam siguro sila, naku po! pag si Rhea nakita to, ewan ko lang..

Gang 101 (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon