3rd Person POV
Nagkaroon ng meeting sila mother superior, sister Therese, Father Clyde at ilang mga tauhan nito sa kanilang mini conference room.
" Una sa lahat, may kakilala ba kayong maaring gumawa nito sa batang iyun? " tanong ni mother superior habang iniinom ang kanyang tsaa.
" Hindi iyun maaring gawin ng mga tauhan natin. Sumang-ayon sila sa kasunduan sa simbahan na hindi sila gagawa ng anumang walang kinalaman sa simbahan. " sabi naman ng isang tauhan.
" Kung ganun, sinasabi mong.. may masamang balak ang estudyanteng iyon sa simbahan? "
" Maaring ganun nga ho sister Therese. "
" Pero kung may masama siyang plano sa simbahan, ano naman iyon? At isa pa hindi ko pa nakikita ni isang beses ang pagmumukha niya sa lugar na ito. "
" Sa totoo lang po Father, dalawa lang naman ang maari nating isipin, it's either, isa siyang masamang tao o may nag-set-up sa kanya. "
" Set-up? Imposible yan! " sabi naman si sister Therese.
" Posible ho yun sister. Kadalasan dahil sa katapatan ng mga tauhan natin sa batas ng lugar na ito, e minsan may mga taong nagsasabi ng kasinungalingan para lang maparusahan ng mga tauhan natin ang taong kagalit nila. "
" *sigh* I ba na talaga ang pag-iisip ng mga tao. Pati ang mga inosente ay dinadamay sa kanilang kasakiman! "
" Mother superior. Ano na po ba ang gagawin natin sa batang iyon? " saad nman ni Father Clyde.
" Hindi tayo maaring magpadalos-dalos. Ihanda na lang natin ang ating sarili, pag may ginawa siyang mali sa lugar natin. Marami tayong tauhan, kaya nating ipadispatsa ang lalaking iyon kung sakali. "
" Sumasang-ayon po kami sa kagustuhan niyo mother superior. Sige po, ihahanda lang po namin, ang mga gagamitin para sa misa. "
Umalis naman sila Father CLyde, sister Therese at ang iba pang mga tauhan.
Hindi talaga alam ni mother superior kung ano ang nangyayare sa mga taong nakapaligid sa kanila. Pero iba ang kutob niya. May gusto siyang paniwalaan, pero hangga't walang matibay na pinanghahawakan, kailangan niyang pag-isipan pa rin at i-analyze ang sitwasyon.
Patayo na sana siya nang bumalik ang isa sa mga tauhan niya.
" Ano yun hijo? "
" Mother, itatanong ko lang po sana kung ano ang pangalan ng sinasabi niyong estudyante? "
" Night ang kanyang pangalan. "
Binuksan naman ng tauhan niya ang wallet niya at pinakitaan si mother superior ng isang picture.
" Bakit ka may picture ni Night sa wallet mo? "
" Kung ganun.. siya nga iyon... mother,
nanganganib po ang buhay niya. "
=================================
Kyuna's POV
" O Night. Kahit di mo masyado ibuka yang bibig mo, ok lang. Maliit lang naman ang kitkiat e. "
At dahil halos hindi niya maigalaw ang kanyang katawan, ako na ang nagpakain sa kanya. Hindi ko alam, pero kasi mas hihingilin kong makita siyng natutulog kaysa naman sa gising at nahihirapan siya. Hindi kaya ng mata ko.
Kaya tumalikod muna ako.
Bakit? Bakit nasasaktan rin ako pag nakikita ko siyang nahihirapan? Ganito ang nararamdaman ko pag nakikita kong heart broken si Rhea at nung time na makita kong maghirap si mama dahil sa pagkawala ni papa. Anong ibig sabihin nito? Tinuturing ko na ba siyang kaibigan?
