#14.5

145 2 2
                                    

" Ayaw. "

" Ito? "

" Ayaw. "

" Ito? "

" Ano ba Night! Ok ka lang ba talaga?! "

" Sa pagkakaalam ko, wala pa naman akong sakit. "

" Bahala ka nga diyan! "

Andito kami ngayon sa Etude house tumitingin kasi ako ng cosmetics dahil malapit na ang kasal nila mama. Sinabi ko na ako na lang ang mag-aayos sa sarili ko. Minsan kasi matatapang yung mga make-up na ginagamit nila e. Kaso on the way, naabutan ko si "bestfriend". At ang weird niya tingnan, nakapolo shirt kasi siya, which is very unNight! Tapos ginugulo niya akooo>.< for heaven's sake I WANT PEACE!!

Ano ba 'to? Ang dami namang klase ng bb cream, may Bright fit na nga may cotton fit pa. San ba nila kinukuha yung mga names nito?!

" Maam, new item po namin itong cotton fit. Bagay po sa inyo yan maam, bata papo kasi yung skin niyo and yung cotton fit po ang fit for teens like you. "

Cotton fit? Hmmm... first time ko kasi dito bumili malay ko ba kung totoo sinasabi nito?

" Try po natin sayo maam. " umoo naman ako at nilagyan na ni ate yung bb cream.

" Sige miss kukunin ko po yan. "

Next spot: Eye section.

Since cream and yellow ang motif nila mama, ganung color rin ang bibilhin ko. Kinuha ko yung yellow na una ko nakita dahil katulad talaga siya nung yellow ng damit ko.

" Yuck! "

" Oh, bakit? "

" Yellow? Di bagay sayo! "

" Bagay yan! "

" Di nga! "

" Bagay! "

" Di nga! "

" Bagay! "

" Prove it! " Tch~ prove it!! Bagay kaya sa akin lahat ng color! Dukutan ko siya ng eye lash e! Agad ko namang kinuha yung tester with the same color at pinahiran ang eye lid ko.

" AHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHA!~ " ok, nakakahiya what's so funny?

" Naku maam, meron pa pong mas light jan, ito po. " sabi nung saleslady na halatang pinipilit na rin ang tawa. So, hindi nga bagay sa akin yung napili ko?!

" Alam mo mukha kang may tartar sa mata kanina! AHAHAHAHA~ " napahawak pa siya sa tiyan niya.

"Tsss... ewan ko sayo " umalis na ako ng shop,next time na lang ako bibili pag OK NA ANG LAHAT.

" bat ba sunod k ng sunod? Wala ka bang kawar ngayon?" Nakakainis ha, mukha siyang stalker ang haggard haggard ng mukha, buti na lang nakapolo kaya maayos siyang tingnan.

" kawar? Ganun mo na ba akong gustong masaktan? Kung magsalita naman to.."

" waaaaah. Grabe, excuse me ha ikaw kaya ang sunod ng sunod diyan. "

"Masamang bang sundan ka? Sinusulit ko lang naman yung natitirang buwan e."

"masamang sumunod, nakamamatay."

" coming soon."

" huh?! Ano bang sinasabi mo?!"

"tara, beach tayo." Bago pa man ako makasagot, dinala na niya ako sa sinasabi niyang beach.

Ano bang nagyayari sa lalakeng to? Ang saya saya nga kaso, iba ang sinasabi ng mga mata niya.

Andito ako ngayon nakaupo ng payapa sa buhangin, samantalang siya, ayun, tinakbo ang kahAbaan ng dalampasigan.(( ¯(∞)¯ )

"WHOOOOOO.... I LOVE PHILIPPINES...." may tama na nga ang lalakeng to.

Tumayo na akao sa kinauupuan ko at lumapit sa bayabayin para maramdaman ang simoy ng hangin at agos ng tubig. Kaso...

"Waaaaaaaah, baba mo ko....."

kinarga niya ako ng pabaliktad kaya naman yung ulo ko ay nauuntog sa matigas niyang likod at hawak hawak naman niya ang paahan ko. Sabay ikot niya, kaya naman ako, bwaaaag... nakakasuka ang feeling ng ginaganito.

Maya maya ay nagsawa na rin siya, kaya binaba na niya ako. Umupo siya sa tabi ko.

"Ang ganda ng dagat no. " sabi ko. Malumanay kasi ang alon nito.

" hindi ako nagagandahan sa dagat. I knew it because it's the bridge of separation."

" ang dagat ay ginawa dahil may purpose ito. At hindi kasama dun ang paghiwalayin ng landas ang dalawang tao."

" kung tatawirin ko ba ang kabilang isla, mamimiss mo ba ako?"

"Syempre naman, wala na akong aawayin e."

" ako din.." napatingin ako sa kanya, which is sana, hindi ko na lang ginawa, dajil nakatingin na rin pala ang kaniyang deep black eyes sa akin.

Hinalikan niya ako bigla. Iba ang lasa ng kanyang mga labi, lasang...grapes.

"Happy birthday Ara, love you."

Binaon niya ang ulo niya sa balikat ko. At biglang may umagos na isang munting luha sa mga mata ko. Bakit ang sikip sa pakiramdam

Gang 101 (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon