#1

300 5 1
                                        

" Oh kamusta ang jamming kagabi? " bungad ni Rhea pagkapasok ko. Agad akong naupo sa mesa ko at marahang binagsak ang ulo ko. *sigh* Ang hirap kumita ng pera. 

Nangangailangan ako ng pera para may makain kami ni mama. Isang taon na ang nakakalipas bago mamatay si papa. Napagtripan kasi siya ng grupo ng mga gangster kaya yun, tigok! 

" *sigh* Nakakapagod. Ang sakit pa sa tenga. Naka microphone na nga ako, kailangan ko pang sumigaw." 

" Maraming tao?"

" SOBRA! Tulog lang ako saglet ha! " Pagod na talaga ako, masyado pa akong bata para magtrabaho sa isang club. 

" Tss~ alam mo, wag--"

" KYUNA!!! "

Agad akong napalingon sa nagsalita, kalase ko lang pala. *sigh*

" Oh bakit? Anong problema? "

" Inatake tayo. Taga Knight High! "

Ano?! At kami naman ngayon ang naisipang pagtripan ng mga ungas na yun! At ano naman ang ginawa namin?!

Tumakbo ako papunta sa clinic namin at nakita ko si Justin na nakahilata sa kama at sugatan. Naniningkit na ang isa niyang mata dahil sa mga suntok na pinatikim sa kanya.

" Just, who did this to you? " tanong ko sa kanya. Foreigner kasi ito kaya di ko pwede tagalugin.

" N-night... N-night... " kitang kita sa kanya ang takot, kaba at galit. Nangingilid na rin ang mga luha niya. Poor Just.

" Mon, pumunta ka sa Knight High. Sabihin mo nagdedeklara ng laban ang 'Boss' niyo. Rhea, ihanda mo ang mga sasama sa kanya. "

"  N-no.. P-please d-don't... "

" Shhh.~ Just, were fighting for your justice. "

" Pero K-na, vinandalize niya yung wall ng Knight High, sinong di magagalit dun? " saad ni Rhea. So?! Ano ngayon? Ayaw ba nila nun, di na magmumukhang haunted school ang school nila. Tsaka, nakakamatay ba ang pagvavandalize? Sila nga e, winawarak nila ang mga walls ng ibang school.

" Wala akong pake. Inhumane ang ginawa nila kay Just. Bilang kakalase niya, kailangan may gawin tayo. At bilang 'Boss' niyo, ako ang bahala sa inyo. " yan ang nakukuha ko sa panunuod ng SONA =) 

" *sigh* if you insist. " umalis na si Rhea at si Mon. Napatingin naman ako kay Just. Kawawa naman siya. Paano na lang niya masasabi na ' It's fun in the Philippines' e siya yung napagtripan! *sigh* 

" T-thanks.. "

" Don't thank me. It's my job after all. Sit back and relax. " At ikaw namang Night ka, kung sino ka man, makikita mo kung sino ang kinakalaban mo!

=================================================

" KYUNA!! " Natapos na ang klase namin. Kasbay nun, nakatanggap ako ng love letter sa Knight High.

' Mamayang 5 pm sa Melee Field. Ang hindi sumipot talo. At pag natalo... alam niyo na kung ano ang mangyayari. 

                                                                                                                -Night-

Kapag natalo kami, kukunin nila ang mga facilities na gusto nilang kunin sa amin, kahit pa estudyante o teacher, basta sakop namin pwede nilang makuha. Pag nanalo naman kami, well, gusto naming yumuko siya at humalik sa paa ni Just tapos magsosorry siya. Yun ang gusto namin.

Bawat school kasi sa subdivision na ito ay may tinatawag na 'constant wish'. Ito yung wish ng school kung sakaling manalo sila. Mahirap baguhin yun. Parang Constitution lang, kailangan lahat sumang-ayon bago mapalitan yun.

Gang 101 (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon