#29.5

70 3 0
                                    

A/N: May reporter's POV kasi ang BAM ay naka televise. Parang UAAP siya. Yun lang po thanks! Dedicated to you =)) Thanks for voting=) Godbless readers!

Enjoy!

======================================

Reporter's POV

Lunes.

Ngayon magaganap ang first round ng BAM. Sa huling pagkakataon, pinagplanuhan ng bawat grupo sa bawat school ang kani-kanilang mga strategies para sa laban mamaya. Syempre, pati ang kani-kanilang mga supporter ay todo rin sa paghahanda para mamaya. 

Una nating silipin ang Princestone Academy. Kamustahin natin sila pagkatapos nating mabalitaan na nawawala hanggang ngayon ang kanilang boss na si Bow. Wala pa ring nasasgap na balita tungkol sa kinaroroonan nito at ayaw din magsalita ng kaniyang mga kamag-anak. Sa ngayon, pinamumunuan sila ng kanang-kamay ni Bow na si Orlin.

" Orlin, bilang tumatayong boss ng Princestone Academy, ano bang paghahanda ang ginawa ninyo para sa laban niyo mamaya? "

" Buong linggo kaming nagpupunta sa gym. Kumakain kami sa tamang oras at at ginagamit sa tama ang bawat minuto. "

" Anong masasabi mo sa mga makakalaban niyo? "

" Hoy! Malupet kaming kung tumira, malaki ang pinagbago namin ngayon. At pag sinabi kong malaki.. malaking malaki. "

" Woah~ Ngayon pa lang gusto ko nang tumakbo palayo dahil.. ang lalaki niyo nga! Everyone, siya si Orlin at ito ang mga alaga niya. Kayanin kaya sila ng mga makakalaban nila? Miski ako ay na-eexcite rin. Tara, atin namang puntahan ang mga paghahanda ng kanilang mga supporters. "

Tinahak namin ang classroom sa kabilang dulo. Nagkalat ang iba't-ibang klase ng papers at plastic sa saheg. Hmmm, mukhang busy pa sila sa ngayon.

" Andito po tayo ngayon sa creative room ng Princestone kung saan kitang-kita namang busyng busy ang mga students sa paggawa ng kani-kanilang banner. At kasama po natin ngayon si Jodie, ang head ng creative group. Jodie, tingin niyo ba, gaganahan maglaro ang representatives niyo pag nakita ang ginawa niyo?"

" Aba! Syempre naman noh! Dugo't pawis ang nilaan namin para lang sa mga banner na ito. Hindi lang ito basta-basta. At isa pa makikita mong dominant ang color Violet sa banners namin. Pinagmamalaki talaga namin ang school na ito. "

" Violet ang color ng Princestone Academy. At oo nga, napakadominant ng violet sa mga banners nila. Iba't-ibang shades of violet ang makikita mo. Maraming salamat Jodie. Goodluck sa inyo mamaya." 

==================================

Agad kaming lumabas ng Princestone Academy at sumunod na tumungo sa Knight Academy.

Ang Knight Academy ang pinarangalan noong nakaraang taon ng King of all Kings sa BAM. Simula nang umapak sa pwesto bilang boss ng Academy si Night ay sunod-sunud ang pagkapanalo nila. Manalo pa rin kaya sila ngayon? Paano ba nila pinaghahandaan ang BAM? 

" Andito tayo ngayon sa Gymnasium ng Knight Academy at naglalaro ng basketball ang mga alaga ni Night. Night, bakit mo pinapalaro ang mga alaga mo ng basketball sa ganitong mga oras? "

" Kailangan rin nilang mag-relax sa ngayon para tension free sila mamaya at isipin na lang nila na isang laro lang ang magaganap mamaya. "

" iyan ba ang strategy niyo kaya kayo nanalo 3 years straight? "

" Kung paano kami nananalo? I thin it's because were determined. Nasa determinasyon lang naman ng tao kung paano niya makukuha ang mga bagay na gugustuhin niya. May tiwala ako sa mga alaga ko. Alam kong gaya ko, determinado rin sila. "

Gang 101 (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon