*Author's Note*
Ito po ang unang beses kong magsulat ng story sa Wattpad.
Ang mga pangyayari po dito ay kathang isip ko lamang at hindi base sa nangyari sa totoong buhay.
Sana ay suportahan niyo:)
PLAGIARISM is a Crime.
Please RESPECT the Author.VOTE, COMMENT and SHARE.
THANKS! GodBless:)IS THIS A LOVE STORY?
written by dp_naru12Chapter 1: Just Started
Mika's P.O.V.
"Aaahh." Unat unat muna bago bumangon sa kama 6:30AM palang naman 9:30AM pa ang pasok makakapagluto pa ng masarap na almusal.
Ako lang na naman ang nandito sa bahay nasa Business Trip sila mama at papa.. ewan ko ba kung paano sila nakakapagsabay na wala dito sa bahay. Magkaiba naman sila ng trabaho at office? Ewan ko ba talaga.
8:30AM na aalis na ako ng bahay baka mahuli pa ako malayo-layo pa naman ang school ko. At wala naman akong masyadong gagawin dito sa bahay.
Pagkalabas ko ng condo.
"Mika!!" Sigaw ng isang tao sa likod ko.
"Mika, hintayin mo ako." Sabi ni Umi, nakatira malapit sa condo na tinitirhan ko at ng mga magulang ko.
"Tara, bilisan mo ng maglakad." Sabi ko.
Sabay na kami naglakad papunta sa train station para hindi traffic.
Pagkatapos ng 30 minuto nakarating na kami sa school.
Magkaiba kami ng course ni Umi kaya minsan lang magkaroon ng subject na magkaklase kami. Pero ayos lang. Sana'y na naman akong walang kaibigan at kausap.
Pagpunta ko sa classroom may nakaupo sa upuan ko. Gustong gusto sa pwestong yun dahil malapit sa may bintana at hindi masyadong napapansin ng prof.
Pumunta ako sa unahan ng lalaking yun. Sinasabi ko sa kanya na ako ang nakaupo sa pwestong yun at ngayon ko lang siyang nakita sa klase namin. Tumingin lang siya sa akin ng masama, ano yun? Hindi niya ba ako narinig?.
"Hoy!! Nakikinig ka ba sa akin?" napasigaw ako bigla. Tumingin lang ulit siya. Haa.. nakakainis na siya. Umupo ako sa katabing upuan. Nang papasok na si prof. tumayo at lumabas na siya. Anu yun? Hindi ba siya papasok sa klase. Umupo na kaagad ako sa naiwan niyang pwesto. Hindi siya pinansin ng prof. namin nung lumabas siya. At nagsimula ng magklase.
Natapos na ang dalawang klase ko. Pupunta muna ako sa canteen.
Hawak ko na yung tray may pagkain na. Ng biglang..
"Aahh!!" Natapon yung pagkain ko. May nakabungo sa akin na matangkad na lalaki.
"Ay.Sorry.Miss, hindi kita nakita may tinetext lang kasi ako. Pasensya na talaga." sabi nung matangkad na lalaki na nakabunggo sa akin. Ilan beses ba 'tong magsosorry?
"Okay lang, hindi naman natapon sa akin. Pero..."Sabi ko sa kanya.
"Pero??Aah Sorry eto nalang food allowance ko para sa natapon na pagkain. sorry talaga.. sorry." sabi niya sa akin at nagbigay ng pera. Food allowance niya daw.
At tumakbo mukhang nagmamadali siya. Okay na sa akin yun. Ilang beses ba naman siyang magsorry at binayaran niya pa yung natapon kong pagkain. Bumili na lang ako ng bago kong kakainin at kumain na ako at pumunta na sa susunod kong klase.
Natapos na din ang lahat ng klase ko.
"Haayy..Tapos na din.." Nag-uunat kong sinabi.
"Tapos na din ang alin?" May biglang nagsalita sa likod ko.
Pagtalikod ko.
"Hi po!" Nag-HI yung matangkad na lalaki na nakabunggo sa akin kanina sa canteen.
"Hi din.. anong ginagawa mo dito?" Nakangiti kong tanong sa kanya.
"May training kasi ako kanina ngayon lang natapos kaya nandito pa ako. Ikaw anong ginagawa mo dito? Maggagabi na ah.." Nag-aalala niyang tanong.
"Wala naman, may inaayos lang ako. Ano nga pa lang pangalan mo?" Tinanong ko na ang pangalan niya dahil kanina ko pa yatang kausap siya hindi ko man lang alam ang pangalan niya.
"Aahh..ganun ba? I am Christian Joseph Ramos. But you can call me Chris,CJ,JR.. basta wag lang CR nakakahiya kasi eh. Ikaw anong pangalan mo?" Natatawa niyang sinabi.
"Ang pangalan ko ay Mika Liezzelle Mendez and you can call me Mika." Nakangiting pagpapakilala ko sa kanya. Nagshakehands kami.
"Okay.. Mika may kasabay ka bang uuwi?" Tanong niya.
"Wala naman. Bakit mo natanong?" Wala na akong kasabay kasi nakauwi na si Umi. Ginabi na ako kasi nagbasa muna ako sa library wala naman akong ginagawa sa bahay eh. Hindi niya na ako nahintay pero oks lang naman yun.
"Gabi na kasi.. kung wala kang kasabay.. pwede ka namang sumabay sa akin. Hatid na kita." Alok niya sa akin.
"Aah.. 'Wag na may masasakyan pa naman ako." Tanggi ko sa alok niya.
"Saan ka ba nakatira? Kung sasakay ka ng tren, wala na.. sarado na ang mga train station."Sabi niya.
"Aahh.. ok lang talaga magtataxi nalang ako" Tanggi ko ulit sa kanya. Baka kung ano kasi ang isipin ng mga tao sa condo kapag may nakitang naghatid sa akin. At baka sabihin pa kina mama at papa.
"Ah.. ganun sige.." Pagkasabi niya nun bigla siyang naghikab.
"Sige. Salamat sa pag-aalala." Pagkasabi ko nun.Umalis na ako pero..
"Mika! Sandali lang hintayin muna kitang makasakay ng taxi bago kita iwanan." Sabi niya. Ang gentleman niya naman. Pero tatanggapin ko sana kaso mukhang pagod na pagod na siya.
"Wag na umuwi ka na lang. Mukhang pagod ka." Pangtanggi ko ulit sa kanya. Hindi sana siya magalit sa mga pagtanggi ko sa kanya.
"Sige. Iwanan na muna kita dito. Ingat ka." Sabi niya at sumakay na siya sa kotse niya at umalis.
Naiwan na ako sa labas ng campus namin. Ang tagal kong naghihintay ng taxi pero walang dumadaan. Naglakadlakad na muna ako. Baka sakaling may dumaan. May dumaan pero hindi taxi. Teka yun yung kotseng sinakyan kanina ni .. Hindi ko parin maisip sa mga sinabi niya ang itatawag ko sa kanya.
"Mika!!" May biglang sumigaw.
To be Continued....
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Sana nagustuhan niyo ang first chapter Guys. Salamat sa pagbabasa. Sana basahin niyo ang susunod na chapter.
Share niyo Guys yung story para madami na tayong nagbabasa at nakaka-relate sa istoryang ito.
GoodMorning, GoodAfternoon, GoodEvening, GoodNight. 😊😊
BINABASA MO ANG
Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETED
RandomBook 1: Kung magiging magkaibigan sila, paano kung ang pag-ibig ay pumasok sa kanilang relasyon? Ano ba dapat ang tama? Pagbigyan dahil magkakaibigan kayo o dapat ipaglaban dahil mas mahal mo taong yun. Book 2: Paano 'pag patuloy mong minahal ang ta...