Hi Guys!! Mukhang dumadami na kahit papano ang readers natin ah... Haha joke..Please follow me guys on Twitter and Instagram: @depadua_naru12
By the way... May update po lagi sa Instagram ko about sa mga updated chapters..Pwede rin kayo sa akin mag-message either dito sa wattpad o sa kahit anong accounts ko.. Salamat 😊😊..
Okay back to the story..
Nagseselos nga ba si Chris kay Kurt?Basahin ang Chapter na ito..
Enjoy po...
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Mika's P.O.V.
Ibinalik na sa akin ni Chris ang phone.. At sinave ko na rin ang number ni Kurt..
Isang oras na ulit kami sa kotse na si Toph ang nagmamaneho...
Nakikipag-usap naman si Toph.. Pero mas focus siya sa pagmamaneho..
At simula nung ibinalik ni Chris sa akin yung phone ko hindi siya nagsasalita at hindi niya rin ako iniibo.. Galit ba siya?
"Chris?" Tawag ko sa kanya..
"Haha.. Ate Mika..tulog na si Kuya eh.. matulog ka na lang rin. Gisingin ko na lang kayo kapag malapit na.." Sabi sa akin ni Toph..
Tulog? Eh bakit kanilang gumagalaw pa siya?
"Hindi naman ako inaantok.." Sabi ko kay Toph..
"Ahh.ganun ba? Sige sandali lang.." Pagkasabi nun ni Toph binuksan niya yung radyo ng kotse..
"Haha.." Natawa ako kasi kanta ni Toph sakto yung tinutugtog..
"Eto pa talagang kanta 'to ang tinugtog..haha.." Natatawang sabi ni Toph..
"Hindi kaya magising ang kuya mo dahil sa pagpapatugtog mo?" Tanong ko kay Toph..
"Hindi yan magigising, ilang gabi at araw na hindi natutulog.." Sabi sa akin Toph..
"Ha?Bakit?" Nagugulat kong tanong kay Toph..
"Lagi kasi siyang nag-aalala.." Sagot niya sa akin..
"Saan?"
"Sa'yo.." Sagot ni Toph..
"Bakit naman?"
"Siyempre naman girlfriend ka kaya niya.."
"Ganyan ba siya sa lahat ng naging girlfriends niya?" Haha..parang wala dito yung pinag-uusapan namin ah.. Kung makapagtanong ako eh..
"Hindi,hindi pwede eh.." Sabi niya..
"Paanong hindi pwede?" Haha..ang kulit ko na..
"Eh kasi.. ikaw ang una niyang naging girlfriend eh.."
Nagulat ako sa sinabi ni Toph..
"Sa hitsura ng kuya ako pa ang una niyang naging girlfriend.." Natatawa kong pagsasabi..
"Haha.. mabait naman si kuya.. Seloso at mabilis lang mapikon.." Haha.. Ewan ko ba kay Toph.. ipinagtatanggol niya ba ang kuya niya o lalo niyang inilalaglag..
"Topher!!" May biglang nagsalita..
"Eh..Kuya..Gising ka na?" Nangangatal na tanong ni Toph sa nagising niyang Kuya..
"Compliment ba yun o pang-iingsulto?" Tanong ni Chris kay Toph..
"Wag ka Kuya mag-alala, compliment yun.." Natatakot na sagit ni Toph sa kuya niya..
BINABASA MO ANG
Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETED
RandomBook 1: Kung magiging magkaibigan sila, paano kung ang pag-ibig ay pumasok sa kanilang relasyon? Ano ba dapat ang tama? Pagbigyan dahil magkakaibigan kayo o dapat ipaglaban dahil mas mahal mo taong yun. Book 2: Paano 'pag patuloy mong minahal ang ta...