Problem.

25 3 0
                                    

Chris' P.O.V.

Habang naglalaro kami biglang dumami na ang nanonood sa amin at ang pinakaayaw ko sa lahat dumating si Abby.

"Baun yung palo!!" Sabi ni Ded nung pumalo ako..

Yung galit ko dinala ko na lang sa paglalaro ko.

"Nice.. nice.." Sabi ni Ded sa akin..

Tumango lang ako at kinuha ko yung bola dahil ako na yung maser-service.

Habang nung naser-service ako may mga kumuha ng pictures and ang nakakaasar nanaman pati si Abby ay nag-picture din..



Naiinis lang ako buong game.. Pero dinala ko na lang sa game yung galit ko kaya panalo kami.

"Kuya naman, hindi mo man pinapasok yung mga palo ko." Nakangusong reklamo sa akin ni Toph.

Haha.. Lagi ko kasi siyang binablock..

Ngumiti lang ako sa kanya na parang nang-aasar. At syempre naasar siya.

"Kuya..." At yakap niya akin.

"Ano ba Toph? Parehas tayong pawisan." Reklamo ko..

Tumawa lang siya.. At lalo niya akong niyakap.. Habang tinatanggal ko yung yakap niya..

"Hi! Pwede po bang magpa-picture sa inyong dalawa?" Biglang may lumapit sa amin babae.

"Okay lang..." Anong masamang hangin ang nalanghap ni Toph.. Ngayon lang siya pumayag na hindi ako nagsasabi.

Bumitaw na sa akin si Toph at umakbay kami dun sa babae.

At yung ngiti nung babae parang abot langit.. Haha..

At lalong dumami yung nagpapapicture sa amin ni Toph at dun sa ibang teammates namin.. Ngumingiti na lang kami ni Toph.

Nang hindi ko napansin si Abby na kumuha din ng letrato na kasama ako..

Kaasar... Bakit ba hindi ko napansin??!!! Sana 'wag niya i-post yun..

At nakilaro nalang ulit kami hanggang magsawa na si Toph..

Mga tatlong games kaming sumali..

At naligo sa dagat habang pawis na pawis.. Hoo.. Ang sarap sa pakiramdam..

Mga 5:30pm bumalik na kami sa mga kwarto namin, nagpalit at nagpahinga dahil mamayang mga 7pm may party atmay dadating daw na mga DJs..

Naligo na kami isa-isa sa banyo..

Sa public CR na lang naligo si Risse at Ded..

Si Kurt nakiligo na lang rin sa amin kanina..

Si Kurt ang unang naligo dahil siya naman ang pinakamabilis..

Sunod si Toph.. At pagkatapos niya ako naman..

Natapos na ako at bumalik na sa kwarto sila Risse at Ded..

Sa sobrang pagod namin nakatulog na ulit.. Ano ba 'tong vacation na 'to puro tulog.. Haha.. Okay lang atlist relax..

After an hour and 30 minutes nagtext sa akin ni Gerard. Parang alam ko na kung bakit.. May naririnig na akong music sa likod ng resort.

Binasa ko na.

Gerard: Pumunta na kayo dito sa likod ng resort. Nandito na yung mga DJs at masaya dito.

Tama nga ang hula ko.

Chris: Sige, susunod na kami.

Nagising na rin silang apat dahil sa tugtog sa likod.

Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon