Chris' P.O.V.
3:00 a.m. ako nagising dahil ihahanda ko pa yung babaunin namin paluwas.. Hinayaan ko munang matulog si Toph..
Bumaba na ako at pumunta na sa kusina.. Nagluto na ako ng pangbaon at pang-almusal na pagkain..
Pagkatapos kong magluto.. Nakita ko sa labas ng pinto yung isa kong pinsan na dumating kagabi si Max.. Kahit Max ang pangalan niya ay babae pa rin..
"Hi CJ!!" Nakangiti niyang bati sa akin nung nakita niya ako..
"Oh Ate Max, ang aga mo magising ah.. may gagawin ka ba?" Tanong ko sa kanya..Haha.. Ate.. kasi mas matanda siya sa akin eh..
"Wala naman, gusto ko lang muna makita bago umalis ang paborito kong pinsan.." Niyakap niya ako ng mahigpit.. Para ko na siyang totoong ate..
Biglang bumukas yung pinto sa guest room.. Baka gising na si Mika..
"Ate Max, bitawan mo na muna ako.. Baka gising na si Mika.." Sabi ko kay Ate Max at pilit na tinatanggal ang yakap niya sa akin..
"Ayoko ko nga,minsan na nga lang magkita tayo..." Tanggi niya at lalong hinigpitan ang yakap niya..
Narinig kong may bumababa sa hagdanan..
"Chris?" Mahinang bulong.. Mukhang si Mika na nga yun..
"Ate Max bitawan mo na nga ako.." Sa wakas natanggal ko na din yung yakap niya akala ko aabutan pa kami ni Mika na magkayakap..
"Nandito ako sa kusina Mika.." Tawag ko kay Mika..
"Puntahan ko lang muna si Mika.." Sabi ko kay Ate Max..
"Chris." Nakita na ako ni Mika..
Pero may ginawa nanaman si Ate Max..
"CJ.." Higit ni Ate Max sa akin at hinalikan ako sa noo.. Buti na lang nakaiwas kaagad ako may balak talaga siya na halikan ako sa labi. Kainis na siya,kaya ayaw ko nang lumapit sa kanya.. nagbago na siya..
"Ano ba?!" Nagalit na akonkay Ate Max..
"Haha.. Sorry CJ.." Kala niya ba madadaan niya ako sa ganun ganun lang..
"Ewan ko sa'yo!" Lumayo kaagad ako sa kanya at hinawakan ko at hinila pataas si Mika..
Dumeretso kami sa guest room..
"Sorry Mika.. 'Wag mong isipin na kung anong meron sa amin ni Ate Max,pinsan ko lang siya.." Pagpapaliwanag ko kay Mika..
Tumango lang siya..
"Sorry talaga.." Niyakap ko siya..
Hindi niya ako niyakap pabalik..
"Mika..please.." Habang nakayap sa kanya.. umiiyak na rin ako..
"Chris umiiyak ka ba?" Tanong niya.. tatanggalin niya na sana yung yakap ko para makita niya yung mukha ko.. pero lalo kong hinigpitan ang yakap ko..
Ang pinakaayaw ko sa lahat ay may babaeng nakakakitang umiiyak ako.. Pero sa pagkakaalam ko umiyak na rin ako kahapon sa sementeryo at nakita niya ako..
"Mika.." Humihikbi kong bulong..
"Bakit?" Sabi niya..
"Wala lang.." Sagot ko..
Pinunasan ko na ang luha ko at tumayo na..
"Gigisingin ko na si Toph, maghanda ka na.. pagkatapos mo pwede ka nang bumaba at kumain.." Pagkasabi ko sa kanya nun.. Lumabas na ako at pumunta sa kwarto ko..
Pagpasok ko sa kwarto ko tulog pa si Toph..
Umupo ako sa kama..
"Toph.. gising na.." Sabi ko kay Toph..
BINABASA MO ANG
Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETED
RandomBook 1: Kung magiging magkaibigan sila, paano kung ang pag-ibig ay pumasok sa kanilang relasyon? Ano ba dapat ang tama? Pagbigyan dahil magkakaibigan kayo o dapat ipaglaban dahil mas mahal mo taong yun. Book 2: Paano 'pag patuloy mong minahal ang ta...