Reality..

39 4 2
                                    

Hi Guys!!
And Hi rin sa nga classmates/readers ko na sila Julianne,Eisha,Russel....and to all (hindi mahanap ang mga usernames niyo eh✌✌)..

Okay back to the story..

Ano nga ba ang nangyari kay Mika?

Read this chapter..
Enjoy...

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Chris' P.O.V.

Dinala kaagad namin si Mika sa ospital matapos niyang matamaan ng bola at tumama ang ulo sa upuan..

Habang nagmamaneho si Toph papunta sa ospital at hawak ko si Mika sobrang nag-aalala talaga ako..

Hindi ko na kaya ito at napaiyak na ako..

"Kuya,magiging okay lang si Ate Mika basta madala natin siya ospital.." Sabi ni Toph sa akin nang nakita niya akong umiyak..

"Oo." Sagot ko na lang habang pinupunasan ang luha ko..

Nakarating na kami sa ospital. Dumiretso kaagad kami sa E.R. (Emergengy Room).

Kumuha ng stretcher ang isa sa nga staff ng ospital at dinala sa isang kwarto si Mika..

Habang nasa loob si Mika..kinausap kami ng isa sa mga nurse para itanong ang mga personal information ni Mika..

"Sir, kaano-ano niyo po ang pasyente?" Tanong sa akin ng nurse..

"Girlfriend ko po.." Sagot ko..

"Alam niyo po ba ang buong pangalan niya at ang pangalan ng mga magulang niya?" Tanong ulit ng nurse..

"Hindi po.." Nahihiya ko mang sagutin pero totoo naman na hindi ko alam ang pangalan ng mga magulang niya..Ahhh!! Ano bang klase akong boyfriend??!!

"Ahh.ganun po ba? Eh may I.D. po ba siya na meron kayo?" Tanong ng nurse.

"Meron po.." Sabi ni Toph at iniabot ang I.D. ni Mika sa nurse..

"Salamat." Sabi ng nurse kay Toph at mukhang nakilala niya na kami..

Tumayo  na ako sandali nang magbukas na ang pinto ng kwarto na pinagdalahan kay Mika..

"Ayos lang po ba siya?" Tanong ko sa taong lumabas sa kwarto..

"Ayos lang naman po siya.. Kailangan niya lang muna magpahinga habang unconscious pa siya.." Sagot niya sa akin..

"Salamat po.." Sabi ko..

Tumango na lang siya at umalis..

"Sir, ito po yung I.D. nung pasyente.." Inabot nung nurse sa amin yung I.D. ni Mika..

"Toph,paano mo nakuha ang I.D. ni Mika?" Tanong ko kay Toph..

"Nakuha ko nung binuhat mo si Ate Mika papunta sa kotse kanina." Sagot ni Toph..

"Ahh..ganun ba?Sige.." Sabi ko na lang..

Kami na ni Toph ang nag-asikaso ng kwarto munang pagpapahingahan ni Mika habang nandito siya sa ospital..

Habang nasa loob ng kwarto..

"Kuya, balik muna ako sa arena..Kukunin ko muna yung gamit nating tatlo.." Paalam ni Toph..

"Sige...mag-iingat ka.." Sabi ko kay Toph..

"Ok.Salamat.." Ngumiti at umalis na lang siya..

Tulog pa rin si Mika kaya naisip ko munang asikasuhin ang schedule sa phone ko..

Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon