Hi!! Here's a new update sinisipag ako kapag weekends. Sino nga ba ang inlove?
By the way Guys magpapasok na ako ng ibang point of view basahin niyo nalang ang chapter na ito..Vote, Comment your suggestions, Share. Regards to all the readers. Thanks.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Chapter 5: Who's In Love?
Mika's P.O.V.
Uy may nakita akong video ni Chris sa page na 'to. Mapanood nga.
Ano ba yan ang tagal mag-loading.. Bukas na nga lang Sabado naman. Kukuha na lang ako ng pictures.. Haha.. Mukha na akong stalker ni Chris.. Dito ko na lang sa laptop ise-save para hindi rin makita ni Chris baka makita niya sa phone ko.
------------------
Chris' P.O.V.
Pupunta muna ako sa room ni Kurt baka nandun si Toph. Paghawak ko ng doorknob, teka bukas? Nandito nga si Toph. Pumasok na lang ako.
"Hi Kuya!" Salubong sa akin ni Toph.
"Topher! Bakit ka tumakbo kanina?!" Hindi ko na napigilan ang galit ko kay Toph.
"Ano ba yan Chris? Gabing gabi na sumisigaw ka parin." Sabi sa akin ni Kurt paglabas niya ng banyo.
"Eto naman kasi si Toph tumakbo papunta dito, eh bawal nga siyang magpagod." Sabi ko kay Kurt habang nakatingin kay Toph.
"Sorry Kuya." Sabi sa akin ni Toph.
Hindi nalang ako nagsalita. Nakakapikon naman talaga. Ewan ko ba kung bakit ako biglang nag-init ang ulo.
"Kurt alis na kami ni Toph." Pagpapaalam ko kay Kurt.
"Sige." Sagot sa akin ni Kurt.
Tumayo na lang si Toph ng sinabi ko na uuwi na kami dahil nakita niya kung gano ako kagalit.
Magkasunod kami ni Toph na pumunta sa kotse.
Puwesto siya sa unahan. At nasimula na akong magmaneho pauwi. Naghikab bigla si Toph."Matulog ka na kung gusto mo." Sabi ko kay Toph.
"Kuya sorry talaga." Sabi sa akin ni Toph.
Hindi na lang ulit ako nagsalita.
"Kuya may gusto akong itanong sayo." Nagsimula ng pag-uusapan si Toph.
"Ano yun?"
"May gusto ka ba kay Ate Mika?" Nagulat ako sa tanong niya.
"Bakit mo naman yan natanong?" Tatanungin ko muna kung bakit bago ko sagutin.
"Nakita ko kanina na ang sama ng tingin mo sa akin nung binuksan ko yung pinto niya."
"Anu naman kinalaman nun sa tanong mo ngayon?"
"Wala lang, pati hindi ka nagdadala ng kahit sinong babae sa bahay maliban sa kanya."
"Ahh.. ganun ba? Hindi ko napansin." Nagpapanggap ako ako kay Toph na parang wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya.
"Kuya naman, alam ko na naiintindihan mo ang sinasabi ko." Hindi talaga ako makakatakas kay Toph. Kilala niya talaga ako.
"Oo."
"Oo, ang alin kuya?" Nakangiti niyang tanong sa akin.
"Topher.. alam mo naman kung tungkol saan ang sinasabi ko."
BINABASA MO ANG
Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETED
AcakBook 1: Kung magiging magkaibigan sila, paano kung ang pag-ibig ay pumasok sa kanilang relasyon? Ano ba dapat ang tama? Pagbigyan dahil magkakaibigan kayo o dapat ipaglaban dahil mas mahal mo taong yun. Book 2: Paano 'pag patuloy mong minahal ang ta...