Chris' P.O.V.
Makalipas ang isang araw.
"Bro. Bukas na ang concert. Anong pwedeng kong sabihin sa kanilang dalawa?" Tanong ko kay Kurt.
"Wala nang ilalabas ang utak ko. Tulungan niyo ako." Pagrereklamo ko.
Nasa kwarto ko ngayon kaming tatlo.
Si Kurt, Toph at Ako.
"Yung muntikan ng maging Suma Cum Laude. Nagrereklamo na wala na daw lumalabas sa isip niya." Pang-aasar ni Kurt.
Umupo na ako ng ayos. Dahil nakadapa ako kanina😂.
"Syempre naman. Sabi nga nila. Ang matalinong tao ay mahina sa pag-ibig." Ginatungan pa ni Toph.
"Ginatungan mo pa!" Sabay hampas ko ng unan kay Toph.
"Haha. Sorry." Sabi ni Toph.
"Ba't kasi kami ang tinatanong mo? Eh mga lalaki din kami. Dapat sa babae mo itanong 'yan." Sabi sa alin ni Kurt.
"Sino? Si mama? Si Bela? Si Eis.... Tama!! Si Eisha nga!" Sigaw ko!
"Oo, bahala ka kung sino ang tatanungin basta wag ka namang sumigaw." Sabi ni Kurt.
"Ay. Haha. Sorry." Malumanay kong sagot.
"Sige punta lang ako sa guest room." Sabi ko at pumunta na akong guest room.
"Yow Eisha!!" Tawag ko kay Eisha 'pag bukas ko ng pinto ng guest room.
"Oh? Bakit Kuya Chris? Matuto ka ngang kumatok 'pag papasok sa kwarto ng babae." Sabi ni Eisha.
Siya lang mag-isa sa kwarto.
Pumasok na ako sa kwarto.
"Nasaan si Bela?" Tanong ko.
"Nasa baba, tinutulungan si Tita magluto." Sagot niya.
"By the way, ano sa tingin mo ang maganda o malinaw na sabihin sa babaeng sinabihan mo dating mahal mo siya ta's naguluhan ka lang pala nung araw na sinabi mo sa kanya 'yun ang nasabi mo?" Tanong ko.
"Huh?" Naguluhan siya sa sinabi ko.
"Okay.. Kunyari ikaw. Sinabihan dati kita na mahal kita. Ta's ngayon binabawi ko na dahil naguluhan lang pala ako nung araw na 'yun kaya ko nasabi yun." Pagpapaliwanag ko.
"Hmm.. Sabihin mo kung ano talaga 'yung saloobin mo. Parang yung sinasabi mo sa akin ngayon. Teka nga. Kanino mo ba sasabihin 'yan?"
"Basta. Salamat." At lumabas na ako sa guest room.
Bumalik na ako sa kwarto ko.
"Oh? Nakakuha ka ng sagot galing kay Eisha?" Tanong sa akin ni Kurt.
"Yeah. Kaso medyo magulo. Pero oks na yun." Sagot ko.
"Pero may sasabihin ako sayo Chris. pero wag kang magagalit." Sabi ni Kurt sa akin.
"Depende. Ano ba yun?" Sagot at balik na tanong ko.
"Nagkagusto ako dati kay Mika. Wag ka mag-alala. Dati lang naman yun." Pagtatapat niya.
"Hmmm.." Sabay tingin ko ng masama sa kanya.
"Oh? Sabi ko sayo wag ka magagalit." Sabi ni Kurt.
"Haha.Matagal ko ng alam yun. Napaghahalataan naman kasi ikaw." Sabay ngisi ko.
"Huh? Alam mo na? At btw, napaghahalataan?" Balik na tanong ni Kurt.
"Yes. Napaghahalataan. Ngayon nga alam ko kung sino ang tinitibok niyan eh." Sagot ko sanay turo ko sa puso niya.
BINABASA MO ANG
Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETED
SonstigesBook 1: Kung magiging magkaibigan sila, paano kung ang pag-ibig ay pumasok sa kanilang relasyon? Ano ba dapat ang tama? Pagbigyan dahil magkakaibigan kayo o dapat ipaglaban dahil mas mahal mo taong yun. Book 2: Paano 'pag patuloy mong minahal ang ta...