Gentleman, Gentleman?!

129 5 2
                                    

Chapter 2: Gentleman, Gentleman?!

Mika's P.O.V.

Teka yun yung kotseng sinakyan kanina ni .. Hindi ko parin maisip sa mga sinabi niya ang itatawag ko sa kanya.

"Mika!!" May biglang sumigaw. Sino kaya yun?

"Mika!! Sumabay ka na sa akin. Gabi na baka mapahamak ka pa." Sabi ni... Chris?!

Oo nga gabi na pero. Anong ginagawa niya dito? Tumigil yung kotse sa gilid ko at bumaba si Chris at pinagbuksan niya pa ako ng pinto. Ang gentleman niya talaga. Pero..

"Mika, 'wag ka ng tumanggi ngayon. Ilang beses ka ng tumanggi sa akin kanina at wala ng dumadaang taxi dito, kaya naman sumabay ka na sa akin." Sabi ni Chris.

"Pero..."

"Pero ano nanaman?, hindi ako makakatulog hanggang hindi ko nakikita na safe ka ng nakauwi. Kaya Mika please." Tatanggi na sana ako pero nagpumilit siya kaya naman pumasok na ako sa kotse niya. Sa unahan ako nakapwesto at siya ang nagda-drive.

"Bakit ka pala nandun pa?, eh dapat nakauwi ka na." Tanong ko kay Chris habang nagmamaneho siya.

"Wala lang." Sagot niya at biglang siyang ngumiti, may hitsura naman pala 'tong taong to eh.

"Pa'nong wala lang? Tagal ko na dun dapat nga tulog ka na."

"Paano kung sabihin kong hinihintay kita?" Sabi niya at biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko.

"Haha. Joke lang. Hinihintay ko yung younger brother ko." Sabi niya. Buti na lang joke yun. Bigla talaga akong nanlamig kung totoo yun.

"May younger brother ka?" Nakangiti kong tanong.

"Oo." Sagot niya.

"Nasaan siya?, anong pangalan niya?, Ilang taon na siya?" Grabe dire-diresto ang tanong ko. Sana hindi siya mainis.

"Haha. Grabe ah. Sobra ka naman yatang curious sa kapatid ko. Oh sige. Ang pangalan niya ay Christopher Miguel Ramos, 16years old, nasa condo niya siya ngayon. Dun daw siya muna matutulog." Sagot niya sa lahat ng tanong ko. Nakakatuwa naman hindi siya nagalit at natawa pa siya.

"Bakit?" Tanong ko ulit.

"Bakit ano?"

"Bakit hindi kayo magkasama?"

"Magkasama saan?"

"Magkasama sa tinitirhan"

"Magkasama naman kami, pero minsan lang, kasi parehas na kaming may sariling condo dahil parehas naman kaming varsity o kaya naman ay scholar." Sagot niya. Gusto ko pa sanang magtanong kaso nandito na kami sa condo namin nila mama at papa habang tinatanong ko kasi siya ay nagtatanong din siya ng direksyon papunta sa bahay. Kaya bukas nalang. Pinagbuksan niya ulit ako ng pinto sa kotse at tsaka ako bumaba.

"Sige Chris, Salamat sa paghatid." Nakangiti kong pagpapasalamat sa kanya.

"Your always welcome Mika, sa susunod ulit."

Sa susunod ulit? Ewan ko sa kanya pumasok na ako sa bahay at baka kung ano pang isipin ng mga tsismosa naming mga kapitbahay, pumasok na rin siya sa kotse at umalis.

At pagbukas ko ng pinto ng kwarto, as usual wala parin sila mama at papa. Sana'y na nanaman diba akong mag-isa.

Naglinis na akong katawan at humiga sa kama ko. Hindi na ako kumain dahil gabing-gabi na at pagod na pagod na rin ako. At hindi ko namalayan nakatulog na kaagad ako.

Kinabukasan. Yun ulit ang mga ginagawa ko wala pa kasi sila mama at papa.

Naligo, nagbihis, kumain at umalis ng maaga.


Nasa school na ako.
Pagpasok ng prof. sabi niya may test kaya hindi pwede mag-excuse kahit sino dahil may pupuntahan din yung prof. namin.

Pagdating ng mga kaklase namin..

"Nasaan nanaman si Mr. Ramos , hindi ba sabi ko walang pwede i-excuse ngayon." Galit na sabi ng prof. namin. Teka, kaklase ko dito si Chris?!

Pumasok bigla si Chris ng classroom.

"Sorry po prof., late ako." Sabi ni Chris sa sobra naming galit na prof.

"Anong nangyari sayo at late ka, pumunta ka mamaya sa faculty room, doon kita kakausapin at sayang sa oras kung dito pa." Galit na sabi ni prof.

"Opo prof." Mahinang sagot ni Chris, umupo siya sa bakanteng upuan sa harapan ko, aahh siya pala ang nakaupo dun.

Tinawag ko siya at kinalbit, pero humarap lang siya at ngumiti.

At nagsimula na ang test namin.
Pagkatapos ng isang oras.

"Hoo.. natapos din ang more than 100 items na test." Nag-uunat kong sabi.

Lumabas na si Chris sa classroom at hinabol ko siya.

"Chris!!" Tawag ko.

"Bakit Mika? May kailangan ka ba?" Tanong niya..

"Ahh.ehh.. wala naman, itatanong ko lang ano at saan ang susunod mong subject, kung parehas tayo sabay nalang tayo pumunta." Sagot ko sa kanya.

"Aahh.. ganun ba? Pero hindi pwede eh, pupunta pa ako sa faculty room, at hindi ako makakapunta sa klase dahil may training pa ako." Pagpapaliwanag niya.

"Ahh..Sige" Nakangiti kong sabi sa kanya, ayaw ko ipahalata na dismayado ako.

"Pasensya na talaga Mika, pero sa susunod babawi ako." At ngumuti na lang rin siya sa akin.

"Sige, promise yan ah..haha."

"Oo, promise yan Mika, sige alis na ako. Ikaw pumunta ka na baka ma-late ka pa, Ingat!"

"Ingat ka din."

Ngumiti siya sa akin at umalis papuntang faculty room at pumunta rin ako sa susunod kong klase.

Pagdating ng susunod naming subject na professor...

"Nasaan nanaman si Mr.Asuncion, kabago bago lagi na lang late." Galit na sabi ng prof.

Ano ba yan lahat ba ng prof. namin ngayong araw HB?!(high blood).

Sa kalagitnaan ng klase..
May dumating lalaki, teka yun yong nakaupo sa upuan ko dun sa isang classroom kahapon.

"Prof." Mahinang sabi nung lalaki.

"Mr. Kurt Noel Asuncion, I mark you as absent for my class this day, lagi ka na lang late at ngayon kalagitanaan ka pa ng klase ko dumating." Galit na sabi ng prof. kay Kurt, Kurt kasi yun daw yung pangalan nun.

Tumahimik na lang si Kurt at umupo sa upuan sa harapan ng pwesto ko.

Pagkatapos ng klase...
Break na..

Biglang pumasok ng classroom namin si Chris.. Anong ginagawa niya dito?! Hindi pa umaalis yung prof. namin.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Thank You po sa pagbabasa..
Sana sa susunod na chapter ulit..

Regards to all the readers..

Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon