As I Promise wala pang 24 hours.
And BTW guys napansin niyo ba na wala masyadong eksena si Kurt kahit isa siya sa mga main characters? So dahil nga dun.. Let's give it up for Kurt Noel Asuncion!! Haha..
Enjoy Reading..
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Kurt's P.O.V.
Nakauwi na ako sa condo ko.
Wala akong laging kasama diti maliban kapag pumupunta sila Chris at Toph..Pero ang kulit kanina ni Chris parang si Toph, buti na lang wala siya masyadong nabasa sa notebook ko.. Pero totoo may ginagawa akong kanta at para nga sa isang babae pero mas maganda kung hindi kaagad malalaman yun ni Chris baka kung ano nanaman ang simulang gawin nun..
"Toot...toot..toot.." Sino kayang nagtext?
Toph: Kuya Kurt, may sinabi ka ba tungkol sa kanta kanina kay Kuya?
Si Toph? Siya lang ang may alam tungkol sa kantang ginagawa ko at kung para kanino yun..
Kurt: Wala.
Hindi ako ganun kasipag sumagot sa mga text. Mas gusto sa tawag na lang.. Pero wala rin ako ngayon sa mood para makipag-usap sa tawag.
Hindi na siya ulit nagtext. Kilala niya ang ugali ko kaya alam niya dinang katamaran ko sa pagsagot sa text.
Hindi ako ganun ka-friendly kaya mabibilang mo sa daliri kung sino ang mga tunay na kaibigan ko. At isa doon yung magkapatid na si Chris at Toph.. Minsan sinasama ko na rin sa bilang na yun si Mika at mga kasama ko sa banda.
Yung mga kasama ko sa banda dati lang yun dahil matapos namin malabas ang una naming kanta at sumikat, wala nang namansin sa akin, ngayon hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanila, dahil dati hindi lang ako ang vocalist ng band na yun tatlo kami.. Kinuha lang nila ako dahil kaibigan ako ni Chris.. pero matapos ko silang tulungan sa pagbuo ng kanta at kantahin 'yon wala na silang pakialam sa akin..
Sa pagkakaalam ko nagsama ang isa sa mga dati naming vocalist at head guitarist. Kung saan saan sila nagtu-tour sa Pilipinas.. Sila na lang ang alam ko dahil lumalabas pa sila sa TV..
Ang gusto ko lang naman ay ang gitara at soccer dahil sa tingin ko doon lang ako magaling..
Matapos akong itaboy ng mga dati kong kabanda sila Chris at Toph lang ang pumansin sa akin dahil sa paggawa ko rin dati ng issue na 15y/o na nagkaroon ako ng girlfriend na isang sikat na artista.. Pero isa lang naman yung issue pero walang naniwala sa akin maliban kina Chris at Toph.
Kaya wala ring music company ang kumukuha sa akin dahil naniniwala sila sa issueng yun..
20y/o na ako,5 years ago na yun. Sa mga music bars nalang ako kumakanta .. At may team kami sa football na si Toph ang nagpasok sa akin.. Malaki ang utang na loob ko sa kanilang dalawa.. At dahil din sa mga yun nagagawa ko ang gusto ko. 4th year na ako sa course kong Med-Thec..nakakapasa lang ako sa mga kinukuhang test dahil sa pamimilit at pagtuturo ni Chris.
Tulad kanina naabutan ako ni Chris na tulog sa library alam kong may test kaya hindi ako pumunta sa klase ang hindi ko ay ang papasok pala si Chris.l kaya hindi nasabi sa kanyang may test.. pero sigurado ako madali lang sa kanya yun at makakakuha siya ng mataas na score o kaya naman ma-perfect niya pa..Hindi ko alam kung anong utak meron si Chris at Toph at kaya nilang pagsabayin ang mga bagay ng hindi nagkakamali..
Ako kapag sinubukan kong pagsabayin ang mga bagay laging isang malaking pagkakamali dahil sinubukan kong pagsabayin ang pag-aaral,paglalaro ng football, at pagkanta.. Lagi akong bumabagsak sa test,laging natatalo sa paglalaro.. Ang maayos lang ay ang pagkanta ko..
BINABASA MO ANG
Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETED
RandomBook 1: Kung magiging magkaibigan sila, paano kung ang pag-ibig ay pumasok sa kanilang relasyon? Ano ba dapat ang tama? Pagbigyan dahil magkakaibigan kayo o dapat ipaglaban dahil mas mahal mo taong yun. Book 2: Paano 'pag patuloy mong minahal ang ta...