Chris' P.O.V.
Kakaalis lang namin at nasa bus pa rin kami ngayon.
Nakita ko kanina sa bintana si Karen habang nagmomotor.
Hindi pa rin kasi ako handa makipag-usap sa kanya pero ayos na kapag nakikita ko siya dahil hindi na ako masyado naapektuhan dahil may iba na akong gusto at si Mika yun. Pero hindi ko pa rin talaga alam kung bakit ayoko makipag-usap muna sa kanya.
2hours naman ang byahe namin kaya matutulog muna ako.
Nagising na ako... Tiningnan ko yung relo ko..
Dalawang oras pala ako nakatulog dahil siguro sa pagse-celebrate namin kaninang madaling araw halos wala rin kasi akong tulog..
Dalawang oras pero umaandar pa rin yung bus siguro malapit na rin kami..
"Okay Guys.. Gising na lahat malapit na tayo.. Maghanda na kayo." Tumayo at humawak si Lester sa upuan.
Nagsigisingan na ang lahat.
"Risse gising na.." Ginising ko yung player na katabi ko. Siya ang katani ko dahil magkatabi sa likod ko si Toph at Kurt.
Risse/Ris/ . Siya ang setter namin medyo pangbabae ang pangalan niya, hindi pala medyo talagang pangbabae ang pangalan niya Clarisse Raphael Sotto. Akala daw kasi ng mga magulang niya ay babae siya kaya ganun. Ewan ko ba kung bakit ayaw nila palitan kaya ang tawag namin sa kanya ay Risse o kaya naman ay Raphael depende sa mood. Hehe..
"Ahhhh..." Nagising at nag-unat na si Risse.
"Inaantok pa ako dahil dun sa celebration kanina. Isang oras lang ako nakatulog kanina tapoa ngayon lang ulit." Sabi ni Risse.
"Mamaya ka na lang matulog sa resort." Sabi ko.
"Okay...Ahhhh.." Sagot niya at naghikab pa..
Tumigil na yung bus. Hindi daw pwede ipasok masyado yung bus hanggang parking lot lang. Malamang.Hehe..
"Ang unang lalabas ay ang mga coaches,at mga staffs" Sabi ni Lester.
BTW hindi sumama si Mika dahil pagod pa daw siya masyado kaya hindi ko na siya pinilit.
Tumayo na ang mga coaches at staffs at bumaba na ng bus.
Sumunod na rin kami pagkababa nila.
"Kuya!!" Sabay tapik sa likod sa akin ni Toph.
"Nakatulog ka ba?" Tanong ko kay Toph.
"Syempre naman pati si Kuya Kurt ang sarap ng tulog." Sagot niya.
"Oi!" Sabi ni Kurt.
At kung ilan kami:
Players- 15
Coaches- 5
Other staffs- 4Apat lang ang staffs kasi wala si Mika.
"Magkakasama ang mga babae sa isang kwarto, anim naman kayo kaya doon na kayo sa pinakamalaking kwarto." Sabi ni Gerard.
Anim ang babae sa team 3 sa coaches at 3 din sa staffs and syempre 7 dapat talaga sila hindi lang sumama si Mika.
"Then ang mga natitirang staffs at coaches isang kwarto nalang din." Dugtong ni Gerard.
"Eh ilan kami sa kwarto?" Tanong ni Toph.
"Lima kayo sa isang kwarto 'wag kayong magulo sa ibang kwarto." Sagot at bilin ni Gerard.
"May dalawang malaking kama at isang maliit sa kwarto ng mga players kaya magtabi nalang yung apat." Dugtong ni Gerard. Haha. Hindi nagsasalita yung iba dahil si Gerard lang ang may alam sa lugar na ito dahil kanila ito eh.
BINABASA MO ANG
Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETED
RandomBook 1: Kung magiging magkaibigan sila, paano kung ang pag-ibig ay pumasok sa kanilang relasyon? Ano ba dapat ang tama? Pagbigyan dahil magkakaibigan kayo o dapat ipaglaban dahil mas mahal mo taong yun. Book 2: Paano 'pag patuloy mong minahal ang ta...