Chris' P.O.V
Two days nang nakakalipas pero hindi pa rin kami nag-uusap ni Mika.
At ngayon na rin kami aalis papuntang Singapore para sa International League.
Nag-text rin daw kay Coach Roger si Mika at sinabing hindi na daw siya makakasama.
Madami naman daw kaming staffs sa team kaya hindi na kailangang palitan o tanggalin si Mika ipasusundo nalang daw siya kapag ayos na siya.
Ang dahilang sinabi daw ni Mika ay may family vacation daw sila at minsan lang umuwi ang pamilya niya. And sem-break din namin.
"Kuya tara na. Nandyan na yung bus sa labas." Sabi ni Toph habang kumakatok sa kwarto ko.
"Sige. Papunta na."
Kinuha ko na yung maleta ko at isang backpack at lumabas na ako.
Mawawalan ng tao dito sa bahay for two weeks. Dahil kahit 1week lang kami para sa league sabi ni Toph at ng mga other teammates ko ay magpahinga muna ako sa ibang bansa at kapag ayos na ang pag-iisip ko at tsaka ako makipag-usap kay Mika.
Sumakay na kami sa bus at papunta kaming airport.
Katabi ko si Toph sa bus.
Ite-text ko sana si Mika kaso..
"Wag muna kuya. Sabi nila Kuya Les." Sabi sa akin Toph kaya nagsuot na lang ako ng headset at nagpatugtog.
After an hour nandito na kami sa International Airport.
Bumaba na kami dala ang mga gamit namin.
Pagpasok namin sa loob ay inayos na ang mga gamit, passports, tickets at kung ano pa na kailangan.
Naghintay kami ng 20minutes at boarding na..
Sumakay na kami sa eroplano.
Tatlo ang magkakatabing seats.
Kaya kami nila Toph at Risse ang magkakatabi.Sa may bintana ako, sa gitna si Toph at sa dulo naman si Risse.
Naka-headset pa rin ako.
At nakikinig sa mga kantang senti para marelax ang utak ko.5-6 hours ata ang byahe namin dito sa eroplano.
After ng boarding may puwestong Flight Attendant sa mga gitna at itinuro ang paglalagay ng seatbelts at kapag may emergency.
Then after nun umupo na rin sila at nagsimula ng umandar at lumipad ang eroplano.
Three hours na yata kami dito. Nakatulog na rin ako pati yung mga ibang sakay ng eroplano.
Matagal pa kami dito kaya naman magpapaantok na lang muna ako. Nagbasa nalang ako ng mga stories sa phone ko para antukin ako at nakikinig pa rin ako ng mga music.
And after 3 hours ulit. We're here at Singapore International Airport.
Nagsalita na yung captain. At pinatanggal na yung mga seatbelts.. At may nagsalita at pila pila nang bumaba ng eroplano.
Medyo mas malamig dito.
Kaya nag-jacket kaming lahat maliban kay Toph dahil hindi naman ganun kalamigin si Toph.
Ang jacket namin ay ang kulay blue na may maliit na flag ng Pilipinas sa upper left side.And we do the process here in the airport. At English ang language na gagamitin daw namin.
At lumabas na kami ng airport.
Hinahanap namin yung Jigs. Siya daw ang maghahatid sa amin papunta sa hotel.
"Doon!" At turo ni Ded sa isang lalaking may hawak ng papel na nakalagay ay Welcome Philippines Men's Volleyball Team in Singapore.
BINABASA MO ANG
Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETED
RastgeleBook 1: Kung magiging magkaibigan sila, paano kung ang pag-ibig ay pumasok sa kanilang relasyon? Ano ba dapat ang tama? Pagbigyan dahil magkakaibigan kayo o dapat ipaglaban dahil mas mahal mo taong yun. Book 2: Paano 'pag patuloy mong minahal ang ta...