Kurt's P.O.V.
Balik na ulit sa dati kong napakaluwag na schedule dahil tapos na ang Birthday Concert ni Toph kahapon. Medyo pagod pa ako dahil kagabi pagkatapos matapos ng concert ng mga 12am nagyaya si Chris na mag-celebrate pa rin kahit yung 12am na yun ay tapos na ang birthday ni Toph.. Mga natapos siguro yun ng mga lampas 4am dahil kung ano-ano pa ang pinaggagawa nila Chris kasama yung mga teammates nila.
6am palang ngayon pero kailangan ko ng bumangon dahil pinapasama ako ni Chris at Toph sa outing nila ng team 8:30am aalis at dadaan daw nila ako ng mga 8:15am dito sa condo.
Nakahanda na naman yung nga gamit ko ilalagay ko na lang sa bag at ayos na ang lahat.
At ngayon nilalagay ko na sa bag ko at pagkatapos nito ay maliligo,magbibihis at kakain na ako.
Natapos ako lahat sa mga gagawin ko ng 7:20am. Ang dala ko ay isang packpack dahil pagpunta namin ngayong Sabado ng umaga babalik rin kami bukas ng gabi, maliit na bodybag at syempre yung gitara ko.
"Tok..tok...tok.." May kumakatok.. Sila na kayo yun? Pero ang aga pa sabi nila 8:15..
Binuksan ko yung pinto.
"Hi Kurt!" Sabi nung nasa may pinto.
"Wait.... Karen?! Anong ginagawa mo dito?" Si Karen yung kumatok anong ginagawa niya dito.
"Pati paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Dugtong ko pang sagot.
"Ang dami mo namang tanong, paano ko naman masasagot lahat 'yan?" Nakangti niyang tanong.
"Sige..sige.. Pumasok ka muna." Alok ko at pumasok na siya sa condo ko.
"Umupo ka muna dyan sa couch." Sabi ko sa kanya.
"Sige." Sabi niya at na siya sa couch.
"Simulan natin sa tanong na: Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Tanong ko sa kanya habang umuupo sa kama ko pero katapat ko pa rin siya.
"Hmmm.... Nakita ko sa mga records mo." Sagot niya.
"Saan?Paano?"
"Sa Crystal, nakita ko nung nag-meeting kami nila Ian nung may gagawin akong show, hawak niya at dun ko nanakita."
"Akin lang ba ang nakita mo?" Baka nakita niya din yung kay Chris, patay tayo diyan..
"Oo,bakit?" Tanong niya.
"Ahh.. Wala.. ano nga palang show?" Pang-iwas kong tanong.
"Show...Nag-show kami nung iba ko pang kasama sa Dance Group sa isang mall." Sagot niya..
"Ahhh... Okay..." Mahaba kong pagsagot.
"Hindi mo ba tatanungin kung bakit ako nandito?"
"Ay..oo nga.. Ano nga bang ginagawa mo dito?" Oo nga.. Dapat yun yung susunod kong tanong.
"Wala lang.. Hehe.. Namiss lang kita." Sabay yakap niya sa akin.
"Uy! Bakit ako?" At tanggal ko sa pagkakayakap niya sa akin.
"Bakit? Sino ba dapat?" Tanong niya.
"Basta 'wag ako.."
"Siguro may girlfriend ka na 'no?" Pang-aasar niya.
"Wala.." Simple kong sagot..
"Nako naman.. Sa hitsura mong 'yan.. Wala? Imposible." Lalo niyang pang-aasar.
"Eh sa wala nga.. Problema mo?" Napikon na ako.
"Sorry na.. Ang bilis mo namang magalit." Pagso-sorry niya.
BINABASA MO ANG
Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETED
RandomBook 1: Kung magiging magkaibigan sila, paano kung ang pag-ibig ay pumasok sa kanilang relasyon? Ano ba dapat ang tama? Pagbigyan dahil magkakaibigan kayo o dapat ipaglaban dahil mas mahal mo taong yun. Book 2: Paano 'pag patuloy mong minahal ang ta...