Say The Truth.

31 3 0
                                    

Kurt's P.O.V.

"Ba't ang tagal mo?" Nakataas yung isang kilay ni Mika.

"Sorry.." Bumababa na ako ng kotse at pinagbuksan ko siya ng pinto at pumasok na siya.

Pagkapasok niya ... sinara ko na yung pinto at dali-daling pumasok sa kotse.

"Sorry.. may sandaling pinuntahan lang din ako sa university kaya nawala sa isip ko." Pagdadahilan ko kay Mika.

"Kaya hindi ka nagkaka-girlfriend eh. Ganyan ka kasi. Dapat ang babae ang inuuna mo bago ang iba pa." Sabi niya.

"Paano 'pag babae din yun?" Nakangisi kong tanong.

Sumama ang tingin niya sa akin.

"Babae din yun? So .. mas mahalaga siya sa akin? Ganon?" Sabi niya. At tipong bababa na sa kotse ko.

"Ay... sorry... sorry.. nakipag-usap lang ako dun sa dati kong kasama sa team ng soccer.." Sinabi ko na lang yung totoo.

"Bakla ka yata eh."

"Ha? Ako bakla? No way!" Nilakihan ko ang boses ko para lalaking-lalaki ako.

"No way! Talaga? We dinga?" Lalo pa siyang nang-aasar.

"He-he.. Saan mo ba gustong kumain?" Iniba ko na lang yung pinag-uusapan.

"Nako.. nako.. sige na nga.. Dun na lang sa Japanese Restaurant malapit diyan." Sabi niya.

"Okie.." At nagmaneho na ako papunta sa sinasabi niyang Japanese Restaurant.

Nagpatugtog na lang ako para hindi na namin mapag-usapan yung kanina; yung tungkol sa bakla. Malapit lang naman ang pupuntahan namin.







Nandito na kami.

Lumabas na kaagad si Mika at dumeresto sa loob ng resto, hindi niya na ako hinintay na pagbuksan siya.

Inayos ko na lang yung nandito sa loob ng kotse. Nagsuot ng shades at bonett para hindi masyado makilala pero hindi ganun kadaming tao dito.

Bumaba na ako ng kotse at ni-lock.

Pumasok na ako sa resto.

Umupo ako sa pinuwestuhan ni Mika. Sa tapat niya.

Walang masyadong tao.

Kami lang pati siguro dalawa o tatlong tao lang pero paalis na rin sila.

Kausap niya na yung waiter nung umupo ako.

"Sir, will you add something?" Tanong sa akin nung waiter.

"Ano ba ang inorder mo?" Tanong ko kay Mika.

"Same." Sagot niya.

"Hmmm... Mine too.. Same as my order always." Sagot ko dun sa waiter.

"Okay sir." At umalis na yung waiter.

Lagi naman kasi kaming kumakain dito kapag gutom na talaga si Mika.. Haha.. Kasi ito ang pinakamalapit na kainan dito. Kaya naman alam na nila ang tinutukoy naming same. At sa pagkakaalam konirerecord nila yun.

Hindi ako kinakausap ni Mika.

Tingnan ko nga muna yung phone ko. Baka may nag-text.

21 New Messages

Wow! Dami ah. Haha..

Yung importante muna.
Let's start with.... Hmmmm... Si...

*scroll*
*scroll*
*scroll*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*

Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon