Mika's P.O.V.
Nakarating na kami sa bahay nila Jenny.
Pumunta ako sa kanila o kaya sa condo ko kapag gusto namin ma-extend ang kwentuhan namin.Hehe.
Pagpasok namin sa bahay nila.
"Hi Ate Jenny! Hi Ate Mika!" Bati ni Zach;nakakabatang kapatid ni Jenny. Siguro mga 7-9 years old palang si Zach.
"Hello Zach!" Balik na bati ko kay Zach.
"Zachy nasan si mama?" Tanong ni Jenny kay Zach. Zachy para sweet.
"Namalengke po." Sagot ni Zach.
"Si manang?"Tanong ulit ni Jenny.
"Kasama ni mama po." Sagot ni Zach.
"Sino kasama mo dito kanina?"-Jenny.
"Si Kuya Austin."-Zach.
"Nandyan si Kuya?"-Jenny.
"Kanina po. Pero umalis nung malapit ka nang dumating."-Zach.
"Ah.Sige. Gawin mo na muna yung mga assignments mo bago ka maglaro."-Jenny.
"Okay po." At tumayo na si Zach at pumunta sa kwarto niya.
"Ano gusto mong kainin,inumin?" Tanong sa akin ni Jenny.
"Juice na lang." Sagot ko.
"Sige. Dyan ka muna. Magtitimpla lang ako." Sabi ni Jenny.
Umupo muna ako sa sofa nila sa sala at pumunta na siya sa kusina.
Habang nanonood ako ng TV at hinihintay si Jenny biglang may gumagalaw sa gilid ng vase sa dulo ng sofa.
"Sino yan?" Tanong ko habang lumalapit.
Nang biglang lumabas....
"Ay kabayong nalaglag!!" Nagulat ako biglang lumabas yung kuya ni Jenny. Bakit nandito pa siya akala ko umalis na siya kanina.
"Sshh.." Sabi sa akin ni Kuya Austin.
Kaya tumahimik na lang ako.
"Ano yun?" Biglang lumabas ng kusina si Jenny.
"Kuya??" Sumilip si Jenny.
"Jenny?.." Mahinang tanong ni Kuya Austin..
"Kuya!!" Sigaw ni Jenny sabay takbo ng kuya niya papunta pinto.
"Kuya!!" Sigaw ulit ni Jenny sabay bato sa kuya niya ng unan na galing sa sofa.
Eh kaso lang...
"Jenny!! Ano nanaman ang pinag-aawayan niyo ng kuya mo?!" Nagbukas yung pinto at ang natamaan nung unan ay yung mama niya.
"Ahh...wala po ma." Sabay lapit ni Jenny sa mama niya at mano.
Lumapit na rin ako at nagmano.
"Nasaan si Zach?" Tanong ng mama ni Jenny or should I say Tita Ann.
"Present!" Sabay labas ng kwarto ni Zach at baba at mano.
"Si Jasmine?"-Tita Ann.
"Present din po." At biglang dumating na si Jasmine.
Apat nga palang magkakapatid sila Jenny. Si Kuya Austin, Jenny, Jasmine at Zach. Ang kasama nila ay ang mama nila dahil OFW ang papa nila.
"Dito ka na kumain Mika." Nakangiting alok sa akin ni Tita Ann.
"Ahh..Ehh..Tita.." Hindi ako makasagot.
"Opo, dito po kakain si Mika." Sagot ni Jenny sa mama niya.
BINABASA MO ANG
Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETED
AcakBook 1: Kung magiging magkaibigan sila, paano kung ang pag-ibig ay pumasok sa kanilang relasyon? Ano ba dapat ang tama? Pagbigyan dahil magkakaibigan kayo o dapat ipaglaban dahil mas mahal mo taong yun. Book 2: Paano 'pag patuloy mong minahal ang ta...