Look Who's Back!

29 3 0
                                    

Kurt's P.O.V.

"Toph??!!" Napasigaw ako dahil boses ni Toph 'yun.

"Makasigaw ha??! Haha. Ako nga po ito. Si Christopher Miguel Ramos. Wala ng iba pa." Sagot niya.

"Grabe. Its been a long time bro.----" Pinutol niya yung sasabihin ko.

"Mamaya na yan Kuya Kurt. Malamig dito." Sabi niya.

"Ay.. Nasaan na kayo? Sorry.. Hindi ako nakapag-alarm. Ngayon lang ako nagising." Tanong ko.

"Nandito sa labas ng condo mo." Alam kong nakingisi siya.

"Baliw ka!Bakit hindi ka pumasok sa lobby." Nakita ko na siya sa bintana at may kasama siyang babae sa labas.

"Haha. Kakadating ko lang kasi. Ito na papasok na." Sabi niya.

Bumababa kaagad ako papunta sa lobby.

Hindi na ako nagtanong kung paano niya nalaman kung saan ako nakatira. Nalaman niya na yung cell. number ko, tirahan pa kaya.

"Sup bro?" Manly shake at yakap ang salubong namin sa isa't isa. hehe.

"Okay lang. Musta na? Tagal mong nawala. Hindi ka namin ma-contact for 3years." Tanong ko kay Toph.

"Sorry Kuya, bawal kasi sumagot. Pero okay lang naman kami. And by the way this Bela my manager and---" Pinutol ko yung sasabihin niya.

"And your girlfriend." At itinuloy ko.

"How did you? Okay. Anyway. Dito muna siguro titira si Bela habang tinitingnan natin kung tapos na yung renovation sa bahay." Sabi niya.

"Sige. Pero dun kaya muna siya sa kwarto ni Eisha for a while at makapagpahinga na muna kayo." Sabi ko.

Umaakyat na kami sa unit.

Pumasok na si Bela sa kwarto ni Eisha. Tutal parehas naman silang babae at sa tingin ko magkakilala naman sila.

At sa unit ko pumunta si Toph.

Pinatas niya yung gamit niya sa isang sulok sa may sofa.

''Himala, hindi mo hinagis lang kung saan yung gamit mo." Nakangisi kong sabi.

"Nagbago na ako Kuya." Sagot niya.

"Matulog ka na muna diyan sa kama ko." Sabi ko sa kanya. 7:30 palang naman.

"Ah hindi! Punta na tayo sa bahay Kuya. Please.." Sabi niya.

"Bakit? Ang aga naman."

"Dalina. Gusto ko na makita yung bahay. Na-miss ko yung fresh air sa garden pati kung ano ng hitsura dun dahil renovation na pinagawa nila mama." Sabi niya.

"About nga pala dun sa renovation. Kelan pa yun sinimulan. Hindi na kasi ako nakakadaan dun. Wala sa way ko."

"Last year pa yata yun. Or sinumulan lang 6months ago." sagot niya.

"Ba't parang hindi ko nabalitaan?"

"Ewan. Baka iniisip nila mama na busy ka na rin. Mamaya na kwentuhan Kuya .. Punta na tayo." Pagpupumilit niya.

"Sige. Tara na. Pero magpalit ka muna. Masyadong mainit naman sa katawan 'yang suot mo."

"Okay" Sabi niya at pumasok sa banyo.

Ano na kayang hitsura ng bahay nila? Siguro lalo na yung pinalaki.

At oo nga pala. Pina-renovate so.. ibig sabihin dito na sila titira?














Nagmamaneho na ako papunta sa bahay nila Toph.

Pagkatapos niya kasi magbihis dapat magpapaalam muna siya kay Bela pero tulog yung dalawa sa kwarto.








Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon