Hi Guys!! Here's a new update.
Sana magustuhan niyo.Vote, Comment your suggestions and, Share.. Thanks. Ingat kayong lahat.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Chapter 3: Friends
Mika's P.O.V.
Pagkatapos ng klase.
Break na.Biglang pumasok ng classroom namin si Chris. Anong ginagawa niya dito? Hindi pa umaalis yung prof. namin.
Pagpasok ni Chris sa loob nakasalubong niya yung prof. namin.
"Mr. Ramos, anong ginagawa mo dito? Excuse ka sa lahat ng klase mo." Tanong ng prof. namin kay Chris.
Biglang tumingin si Chris sa bandang likod ng classroom kung saan banda kami nakapwesto ni Kurt.
Pagkatingin ni Chris, bigla nalang umalis yung prof. namin. Anong meron? Wala akong maintindihan.
"Kurt!!" Tawag ni Chris kay Kurt. Ha?? Magkakilala ang crush ko at ang pinaka-ayaw ko sa klase.
Oo tama. Crush ko na talaga si Chris even minsan moody siya. Pero sobrang bait niya. Sobra.
"Bakit??" Tanong ni Kurt kay Chris..
"Sabay na tayong lumabas." Aya ni Chris kay Kurt.
Tumingin sa akin si Kurt ng napansin niyang nakatingin ako sa kanilang dalawa ni Chris habang nag-uusap. Nakakatakot naman ang hitsura niya. Ibang iba kay Chris.
"Hi!!" Sabi sa akin ni Chris. Nang napansin niyang masama ang tingin sa akin ni Kurt.
"Kurt naman 'wag mong titigan ng ganyan si Mika, haha, baka ka pagkamalang kumakain ka ng tao. Sige. hala ka." Biro ni Chris kay Kurt. Napangiti lang ako. At lumabas na si Kurt. Anong problema nun?
"Ano ba yan? Nagwalk-out nanaman sa akin si Kurt." Sabi ni Chris habang kinakausap ang sarili.
"Chris?" Mahina kong bulong sa kanya.
"Ahh. Bakit?" Nagulat siya.
"Haha.. Grabe ka namang magulat." Biro ko sa kanya.
"Pwede bang sabay ulit tayo mamaya umuwi?" Tanong niya sa akin.
"Bakit?"
"Wala lang, kahit hindi pwede okay lang."
Sasagot na ako sa tanong niya ng biglang.
"CJ!! Si Miguel nasa clinic, hinimatay!!" Sigaw ng isang istudyante kay Chris.
Wala ng ibang sinabi o ginawa si Chris tumakbo na lang siya papunta sa clinic at sinundan ko siya.
Pagbukas niya ng pinto.
"Topher!!" Binuksan niya yung kurtina at niyakap ang tulog na si Miguel ba o Topher? Isa pa naman tong kapatid niya ang daming palayaw.
"Ikaw ba ang pinatawag na bantay ni Christopher Miguel Ramos?" Tanong ng school nurse sa akin.
"Ako po." Sabi ni Chris sa school nurse.
"Ahh.. Kaano-ano ka niya?" Tanong ng school nurse kay Chris.
"Nakakatandang kapatid niya po."
"Sige, Kung ganun nga naman, ikaw na ang pumirma dito at bilhin itong mga gamot na ito."
"Ano pong sitwasyon ni Miguel?" Ano ba yan? Isa pa naman itong kuyang ito ang daming tawag sa kapatid niya.
"Ok lang naman ang kapatid mo kailangan niya lang ng pahinga, tamang pagkain at, itong mga gamot na ito." Sagot ng school nurse kay Chris.
BINABASA MO ANG
Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETED
RandomBook 1: Kung magiging magkaibigan sila, paano kung ang pag-ibig ay pumasok sa kanilang relasyon? Ano ba dapat ang tama? Pagbigyan dahil magkakaibigan kayo o dapat ipaglaban dahil mas mahal mo taong yun. Book 2: Paano 'pag patuloy mong minahal ang ta...