Volleyball..

54 4 1
                                    


Hi Guys!!! Sorry for the late update.. But ito na po..

Enjoy..

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Chris' P.O.V.

Kakagising ko lang..
Napag-isip-isip ko lang na it's been a week simula nung nabigay ko na kay Mika yung kwintas na may susi..

Pangako ko dati sa sarili ko na ibibigay ko lang yun sa babaeng totoong mahal ko. Joke lang na binili ko matagal na sa akin yun... kinuha ko lang ulit dahil pinatago ko muna para hindi magmukhang luma..

Isang linggo na rin kaya kailangan ko ng sumama sa training ng National Team..

Hindi na ako muna sasama sa team ng university para mag-training as their captain.. Puputanhan ko na lang sila kapag may oras ako after ng training sa other team..

Magluluto na muna ako para sa kakainin namin ni Toph.. Parehas kaming kasama sa National Team..

Habang nagluluto...

"Ring...ring..ring.." Kinuha ko yung cellphone na nagriring..

"Hello Lester.. Bakit?" Tumawag si Lester siya ang Captain ng National Team..

"Anong oras kayo ng kapatid mo na pupunta dito sa arena?" Tanong niya..

"Mamaya pa.. Akala ko mamayang 6 am ang simula ng training?" Haha.. 4 am. palang kasi..

"Oo nga 6 am.. itatanong ko lang rin kung isasabay niyo yung team manager natin?" Ay.. oo nga pala sabi ni Toph sa kanilang lahat na si Mika na ang magiging manager at hindi na si Abby..

"Sa amin na siya sasabay.." Sagot ko..

"Ok..Sige Captain."

"Sige Les.."

Binaba niya na yung phone..
Captain nanaman tawag sa akin kahit siya naman lagi ang captain 'pag ka-team ko siya..

Nagpatuloy na ako sa pagluluto nang may narinig akong bumababa ng hagdanan.. Baka gising na si Toph..

"Kuya.." Tawag ni Toph..At gising na nga siya..

"Nandito ako sa kusina..himala ang aga mo nagising.." Biro ko..

"Haha..siyempre may training na ulit eh." Natatawa niyang sabi..

"Ayusin mo na muna yung dadalhin natin habang nagluluto ako.." Utos ko sa kanya..

"Ok.." Sagot niya at umakyat na ulit siya..

Pagkatapos kong magluto bumaba na rin siya at inilagay sa kotse ang mga dadalhin namin..

"Kumain ka na dito.." Sabi ko kay Toph..

"Ok.." Sagot niya..

Kumakain na kami..

"Toph, susunduin natin si Mika mamaya.." Sabi ko sa kanya.

"Ok..tawagan mo na muna siya..baka hindi niya ba alam..".. Sabi niya..

"Sige..sige" Pagkasabi ko nun.Tumayo na ako at lumabas at tinawagan si Mika..

Hindi kaagad siyang sumagot baka tulog pa siya.. Ibaba ko na sana ng bigla niyang sagutin..

"Hello....?" Yung boses niya..Haha.. Kagigising niya nga lang..

"Mika,susunduin kita mamaya mga before 6am." Sabi ko..

"Bakit?"

"Ikaw diba ang manager?" Pabiro kong sabi..

"Ah? Seryoso ba yun?" Haha..gulat na gulat siya..

Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon