Mika's P.O.V.
"Chris ikaw ba 'yan?" Tanong ko sa taong may nag-aalalay sa akin.
Pero ayaw niyang sumagot. Pero alam kong si Chris dahil boses niya yung narinig ko kanina kaya hindi ako kinakabahan.
Inaalalayan niya ako sa paglalakad.
"Mika.." Bulong niya..
"Bakit?" Tanong ko.
"Wag ka munang mumulat kaoag sinabi ko na lang." Sabi niya.
"Sige." Sagot ko.
At tinanggal niya na yung blindfold pero nakapikit pa rin ako tulad nang sinabi niya.
"Mika, munukat pagkatapos ko magbilang ng tatlo." Sabi niya.
"Sige." Sabi ko.
"Isa, dalawa, tatlo." Bilang niya.
At binuksan ko na ang mga mata ko.
"Wow.. Ano 'to?" Tanong ko kay.... Nasaan na siya? Bigla siyang nawala.
Hinanap ko siya sa canteen. Nasa canteen kami ng school pero nilagyan ito ng mga dekorasyon may mga balloons at mga flowers at hindi mo siyang aakaling canteen kung hindi ka nag-aaral dito.
May mga petals ng roses na parang daan sinundan ko yung 'rose track'.. Hehe.. Mukha kasi siyang daan..
"Mika.." Tawag sa akin... Sa wakas nagpakita na rin siya..
"Chris.." Tawag ko sa kanya.
Nakatayo sa gitna ng naka-heart shape na rose petals sa sahig. At binigyan niya ako ng 3 roses.
"Mika, can I dance with you?" Tanong niya habang nakangiti siya. Yung ngiti niya dating nung naging kami na nangyari sa Class 4-2 alam na alam ko pa yun.
"Yes." Sagot ko.
At biglang may tumugtog na mabagal na kanta.
Hinawakan niya ang kamay ko at sumayaw kami kasabay ng mabagal na kanta.
Magkayap kami habang sumasayaw pero ramdam ko na nakangutu pa rin siya hanggang ngayon. Tinanggal niya yung pagkakayakap niya sa akin nung natapos yung music.
"Kain muna tayo." Nakangiti niyang alok.
"Sige." Sagot ko.
May inihanda rin na table para sa amin may kandila pa at kung ano pang makikuta sa isang romantic date..
"Ikaw lang nag-ayos ng mga 'to?" Tanong ko kay Chris nung paupo na kami.
"Nope, kasama ko yung mga teammates ko pati yung guard ng school." Sagot niya.
"Pati yung guard?" Nakangiti kong tanong sa kanya.
"Oo, siya kasi ang lang kasi ang pwedeng makausap para makapasok dito ngayon sa school." Sagot niya.
Natapos na kaming kumain at tumayo siya.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko kay Chris.
"Wait lang, dyan ka muna." Sabi niya at lumabas sandali.
At pagbalik niya may hawak siyang gitara.
"Kakanta ka?" Tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang siya. Obvious ba na kakanta siya? Haha..
Umupo siya sa upuan sa gitna nung heart sa sahig.
At nagsimula ng mag-stram ng gitara.
"Tila bang hindi ka mawala sa isip ko simula nung nakita ka.
Naguguluhan dahil ngayon ko lang naramdaman ito. Pag-ibig na nga bang ituring ang pagtingin sa'yo. Dibdib ko ay hindi na kayang panghawakan pa ito. Isigaw ko sa buong mundo na mahal kita, mahal kita, mahal na mahal kita."
BINABASA MO ANG
Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETED
عشوائيBook 1: Kung magiging magkaibigan sila, paano kung ang pag-ibig ay pumasok sa kanilang relasyon? Ano ba dapat ang tama? Pagbigyan dahil magkakaibigan kayo o dapat ipaglaban dahil mas mahal mo taong yun. Book 2: Paano 'pag patuloy mong minahal ang ta...