Mika's P.O.V.
Nakapasok na ako sa Laboratory ng hospital at nagsimula ng magtrabaho.
"Bes, pinapatawag ka sa E.R. may kukuhanan ka daw ng dugo doon. Hindi na daw kasi kayang pumunta dito busy na rin kasi eh." Sabi ni Jenny.
E.R. (Emergency Room)
May kasama rin akong isa pang Med-tech dito sa Lab at siya si Jenny siya rin ang naging bestfriend ko simula nung pumasok ako dito sa ospital na 'to at madalas din kaming magkwentuhan kaysa sa magtrabaho.. Hehe..
"Sige papunta na Bes." Sagot ko at pumunta na akong E.R.
Pagpasok ko sa E.R.
"Mika nandito yung pasyente." Sabi sa akin nung isang nurse at sinundan ko siya.
Lumapit na ako dun sa pasyente. Bata bata pa 'to ah. Baka nga mga nasa college pa lang 'to. Ano kayang nangyari?
"Miss anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Sam po Ate." Sagot niya sa akin.
"Sige Sam, wag kang malikot ha." Sabi ko sa kanya.
Nilinisan ko yung kukuhanan ko ng dugo at tinusukan siya.
"Ahh." Umingit lang siya ng konti.
Tapos na ako.
"Good." Sabi ko at nilagyan ng bulak at plaster yung tinusukan kong parte.
Lumabas na ako ng E.R. at bumalik na sa Lab.
"Bes, nakita mo ba dun si Doc. Adam?" Tanong sa akin ni Jenny na parang kinikilig pa.
"Oo, bakit may kailangan ka ba?" Sagot at balik na tanong ko sa kanya.
"Wala lang.." Itsuserang babaeng 'to patay na patay kay Doc. Adam.
"Sa bagay may hitsura naman si Doc." Sabi ko habang pinapasok na sa lab yung nakuha kong dugo.
"Anong sa bagay ka diyan. Bruha ka." Lumapit yung bakla na tipong sasabunutan ako.
Pero guys hindi siya bakla babae po siya. Babaeng parang bakla.Hehe.
"Op! Tumigil ka diyan bakla, baka matapon 'tong dugo, bata pa naman yung kinuhanan nito buti na lang matapang." Pigil ko kay Jenny.
"Bawiin mo muna ang sinabi mo tungkol kay Doc.Adam." Utos ni Jenny.
"Anong babawiin ko?"
"Yung sa bagay."
"Bakit naman?"
"Basta."
"Eh anong sasabihin ko?"
"Pogi siya."
"Ayoko nga."
"Nako sabihin mo na."
"Pogi siya."
"Sino?"
"Siya."
"Sino siya?" Pangungulit pa ni Jenny.
"Siya nga."
"Sino nga siya?" Ang kulit naman oh.
"Si Doc.Adam." Mahina kong sagot .
"Sabihin mo ng buo at malakas!" Utis niya.
"Pogi si Doc.Adam!" Sigaw ko.
Buti na lang sound proof yung lab. hindi kami rinig sa labas at dalawa lang kami ni Jenny sa loob nito.
"Isa pa."
"Pogi si Doc. Adam!"
"Isa pa yung pinakamalakas"
BINABASA MO ANG
Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETED
RastgeleBook 1: Kung magiging magkaibigan sila, paano kung ang pag-ibig ay pumasok sa kanilang relasyon? Ano ba dapat ang tama? Pagbigyan dahil magkakaibigan kayo o dapat ipaglaban dahil mas mahal mo taong yun. Book 2: Paano 'pag patuloy mong minahal ang ta...