Concert.

52 3 0
                                    

Chris' P.O.V.

After ng ilang linggo ko kung rehearsals...

This is it pancit!! Hehe...
Birthday na ni Toph at mamaya mamaya ng 8:00pm ang concert.

Pero.... pipikunin ko muna siya.. Hindi ko siya babatiin hanggang mamaya, sinabi ko rin kay Kurt.

"Tok...tok...tok..." May kumakatok na sa kwarto ko.

"Pasok." Sabi ko.

Pumasok na siya.... Si Toph..

"Kuya!!" Malakas niyang tawag parang sobra siyang ecxited.

"Bakit?" Tanong ko na parang wala akong alam.

"Wala ka bang gustong sabihin sa akin?" Nakangiti niyang tanong.

"Wala naman, wala akong natataandaan." Parang curious yung hitsura ko. Hehe.

"Wala ba talaga?" Ulit niya.

"Wala nga.. wala nga akong natatandaan.." Ulit ko ding sagot.

"Tseh! Bahala ka sa buhay." Sabi nuya at naglakad na palabas ng kwarto.

"Oi! Ano nga 'yun?" Kunyari wala talaga akong alam.

"BAHALA KA SA BUHAY MO!!" Sigaw niya at malakas na sara ng pinto.

Haha.. Sarap niya talagang pikunin well nasa plano ko kasi yun.. So ayos na muna pero dapat hindi niya mahalata na nagkukunwarian ako.

At kasama rin si Mika sa plano.. Siya ang unang babati kay Toph at kung itanong ni Toph sa kanya kung bakit hindi ko binabati si Toph sasabihin niya na baka nakalimutan ko din tulad ng birthday ko.

Wala din akong inatendan na kahit ano. Kahapon tinanong sa akin ni Toph kung bakit. Sagot ko ay may lalaruan akong exibition game ng hapon na niyaya ako ni Lester kaya hindi ako pupunta ng training at bukas ko na lang kukunin ang remedial classes ko dahil hindi rin ako makakapasok.

Nagawa ko na rin yata yung ganun kaya naniwala din si Toph.

2pm ako aalis ng bahay para magpractice pa sa mismong Grand Arena at 4pm naman si Toph para hindi daw kami magkasabay sabi ni Ian.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na.

Pumunta ako sa kusina at nandun silang lahat..

Pumasok ako ng kusina at hindi ako pinapansin ni Toph.

"Oh ano nanaman nangyari sa inyong magkapatid?" Tanong ni papa.

"Ewan ko po diyan kay Kuya." Medyo galit na sagot ni Toph.

"Wala nga kasi akong natatandaan." Sabi ko kay Toph.

Sinabi ko rin kina mama,papa at Will na 'wag babanggitin ang concert kapag nandito ako para hindi mapunta ang usapan sa birthday niya.

Para kay Toph kasi kahit bumati lang ako sa kanya kahit hindi na ako pumunta sa concert niya okay lang. Eh kaso nga hindi ko siya binati kanina.

"Mama 2pm nga pala po akong aalis para sa exbition game ko." Sabi ko kay mama.

Alam din ni mama,papa at Will ang plano ko.

"Sige.. dapat panalo." Nakangiting bilin ni mama.

"Course po ma." Nakangiting sagot ko.

Inayos na namin yung lamesa para kumain at hindi pa rin ako pinapansin ni Toph.

Kumakain na kami.. Haha.. Wala paring pansinan.. And by the ways guys yung kinakain namin ngayon ay tanghalian na.

Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon