The Sadness about the Truth.

32 3 0
                                    

Mika's P.O.V.

Kakauwi ko lang galing sa isang Event. Nakita ko rin kanina nung pauwi ako yung kotse ni Kurt dun sa tapat ng Japanese Resto nila Lester.

Di na ako dun bumaba dahil busog na rin naman ako.

At parang madami siyang kasama sa loob. Ang dami ring kotse sa labas.

Punta pala muna ako sa bahay ni Jenny. Wala akong magawa dito sa bahay.




Nag-taxi na lang ako.

At nandito na ako sa bahay nila.
Hindi niya alam na pupunta ako sa kanila.

Kumatok ako..

At pagbukas..

"Mika! Anong ginagawa mo dito? Oo nga pala. Pumunta ka nga dito." Dirediretso yung pagsasalita ni Jenny.

Hindi na ako nakapagsalita dahil hinila niya na ako sa kwarto niya.

"Oh bakit? Grabe namang paghila mo sa akin." Pagrereklamo ko sa kanya.

"Sorry. Basta. May surpresa ako sayo." Sabi niya.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Pikit ka muna." Utos niya.

"Ano nga yun?"

"Pumikit ka muna. Bahala ka hindi ko 'to ibibigay sayo. Pagsisihan mo 'to ng matagal." Sabi niya.

"Sige na nga. Eto na." Pumikit na ako.

"Buksan mo. In 1 2 3.."

Binuksan ko na.

"Tadaah!!'' May hawak siyang dalawang ticket.

"Ano yan?" Tanong ko.

"Ticket. Ano pa ba?" Pagpipilosopo niya.

"Alam kong ticket pero para saan?"

"Hindi ka pa na-inform. Kalat na kaya 'to sa buong social media." - Jenny.

"Hindi. Ano ba yun? Hindi na ako active sa social media."

"Basahin mo nga 'to." Sabi niya at inabot niya sa akin yung ticket.

"Huh? Totoo ba 'to?"

May Concert: Ang daming Artist.

COMEBACK CONCERT OF:
CJ Ramos
Tophy Ramuel

SPECIAL GUESTS:
Eisha Smith
Kurt Asuncion  and many more.

Here at GRAND ARENA ******
Date: ** ** ****
Gate Opens: 3PM
Concert Starts: 8PM

VIP: 39K

"Wow! 39K?!! Saan mo naman nakuha ang ganto kalaking pera?!" Gulat na gulat ako sa presyo.

"Binigay lang sa akin yan ni Kurt. Para manood daw tayo. Malapit na daw kasi magSold-out yung tickets. Pero mas nagulat ka pa sa presyo kaysa dun sa magco-concert?" Sabi niya.

"Wait tingnan ko." Sabi ko.

"Chris at Toph?! Totoo ba 'to?" Tanong ko.

"Bakit hindi mo tanungin kay Kurt? Kasama kaya siya sa magco-concert." Mungkahi niya.

"Sige sige. Pero parang may kausap siya kanina. Mamaya na lang." Sabi ko.

Pero ite-text ko na rin siya.

....................

Kurt's P.O.V.

Nandito na daw sila Chris sa Pilipinas.

Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon