Just Wanna Cry.

29 3 0
                                    

Mika's P.O.V.

"Sino ka?"

Nadurog ang puso ko.
Nagdilim ang lahat.

Sa loob ng tatlong taon na hindi kami nagkita. Ganun na lang kabilis niya ako nakalimutan.
Ganun ko ba siya nasaktan at pinilit niya akong 'wag matandaan.

"Chris, ako 'to si Mika." Pagpapakilala ko sa kanya.

"Mika?" Patanong niyang sinabi at tumingin siya kay Kurt.

"Chris, tara na muna sa kotse." Sabi ni Kurt at papalapit na siya kay Chris.

"Bakit Kurt? Ano bang nagyayari?" Tanong ko.

"Ipapaliwanag ko rin. Pero hindi pa ngayon." Sagot niya.

Lalabas na sana sila ng condo....

"Chris!" Hinawakan ko yung kamay ni Chris.

Tumingin siya. Blanko. Blanko lang tingin niya sa akin. At para talagang hindi niya na ako nakikilala.

"Chris tara na." Sabi ni Kurt. At dirediretso na sila sa kotse ni Kurt.

"Ate Mika, sa susunod nalang namin ipapaliwanag." Sabi ni Toph at sabay punta na rin sa kotse ni Kurt.

Pinaandar na kaagad ni Kurt yung kotse pag sakay ni Toph kaya hindi ko na sila nagawang habulin.

Pumunta na ako sa unit ko.

Umiiyak.

Nakaupo lang ako sa sulok ng kama ko habang nakatungo at umiiyak.

At 'di ko namalayan nakatulog na pala ako.

"Ring... ring.... ring...." May tumatawag.

"Hello?" Tugon ko na medyo humihikbi.

"Mika? Umiiyak ka ba?" Tanong ni Jenny.

"Jenny..." At bigla na lang akong humagulgol.

"Mika? Anong nangyari? Pupunta kaagad ako diyan." Pagkasabi niya nun ay binaba niya na yubg tawag.





May kumakatok...

Binuksan ko..

"Mika?" Patanong na salubong ni Jenny.

"Jenny..." At bigla na lang ulit ako humagulgol.

Niyakap niya ako ng sandali.
At pumasok kami sa loob ng unit.

Umupo kami sa sofa.

"Ano bang nangyari?" Tanong ni Jenny.

"Si Chris... nakita ko na siya." Sagot ko.

"Oh anong nangyari? Sinaktan ka ba niya kaya ka umiiyak?" -Jenny.

"Hindi."

"Eh ano?" -Jenny.

"Hindi niyaako maalala"

"Ano?!" -Jenny.

"Tinanong niya yung sino ako. At blanko ang tingin niya sa akin nung tinawag ko siya."

"Pero paanong hindi ka niya matatandaan? 3 years tama ba?" -Jenny.

"Hindi ko rin alam. Nung itatanong ko na sa kanya. Pinalayo ako ni Kurt at Toph."

"Hindi mo pala alam eh. Baka naman naguluhan lang sila. Try mo ulit siyang kausapin sa susunod." -Jenny.

"Paano?"

"Ba't sa akin mo tinatanong? Kay Kurt." Sabi niya.

"Pero sa susunod na nga. Magpahinga ka muna. Namumugto pa yang mata mo." Dugtong pa niya.

Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon