Hi!! Eto na 'to. Ang mga pabitin kong parts nandito na.
Read this chapter..
Vote, Comment your suggestions, Share.. Thanks.. Ingat po..
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Mika's P.O.V.
Yie!! Hindi na talaga mapanood yung video. Hayaan na nga yun.. Atlist naman magkakasama kami ni Chris mamaya. Ano kayang meron?
"Tok.Tok.Tok" May kumakatok, baka si Chris na yan.
Binilisan ko at pumunta kaagad ako sa may pinto. Binuksan ko yung pinto, At ang nakita ko ay ang bihis na bihis na si Chris.
"Aba, bihis na bihis ka ah.. Anong meron?" Tanong ko kay Chris.
"Ahh.. Eto ba galing ako sa pictorial hindi na ako nakapagpalit."
"Sige, saan ba tayo pupunta?"
"Kahit saan mo gusto."
"Ha??" Kahit saan ko gustong pumunta??..
"Ring.. ring..ring.." Tumutunog yung phone niya.
"Ahh.. Sandali lang Mika sagutin ko lang ito."
"Sige,ok lang." Sabi ko sa kanya.
Lumayo siya at sinagot yung tawag. Parang tumatanggi siya dun sa kausap niya sa phone. Sino kaya yun? Baka naman si Toph lang..
Pagkatapos niyang makipag-usap lumapit siya sa akin.
"Nanonood ka ba ng Volleyball?" Mahinang tanong niya sa akin.
"Oo naman,Bakit?" Sagot ko sa kanya.Pero hindi naman talaga masyado nanonood ng Volleyball. Pero kung siya naman ang maglalaro ayos lang.
"Yung coach namin kasu sa Volleyball team ang tumawag, may practice game daw kami sa ibang University sa school natin. Gusto ko bang sumama?" Paliwanag at tanong niya.
"Sige." Nakangiti kong sagot. Dahil mapapanood ko na syang maglaro.
"Ayos, tara na sa kotse." Nakangiting aya niya sa akin.
Naglalakad na kami palabas ng condo. Nang biglang..
"Kuya!!" Lumapit si Toph kay Chris.
"Bakit nandito ka sa labas?" Tanong ni Chris kay Toph.
"May laro daw tayo. Wala naman gagawin si Kuya Kurt kaya isasama ko na rin siya. Magbibihis lang daw siya." Sagot ni Toph kay Chris.
Bumukas bigla ang pinto sa isang kwarto. Lumabas sa kwartong yun si Kurt.
"Oh Kuya Kurt, Sabay-sabay na tayo pumunta sa school." Alok ni Toph kay Kurt.
"Ok lang ba sayo na tatlong lalaki ang kasama mo sa kotse? Hindi ka ba maiilang?" Pabulong na tanong sa akin ni Chris.
"Ok lang." Nakangiting sagot ko kay Chris.
"Ano?? Tara na??" Tanong ni Chdis sa aming tatlo.
"Tara na." Nakangiting sagot ni Toph.
Nauna kaming nakapunta sa kotse ni Chris. Dahil nagkukwento pa si Toph kay Kurt habang naglalakad sila.
Si Chris ang magmamaneho at ako ay sa unahan. Malamang pagdating nila Toph ay magkatabi sila sa likod ni Kurt.Dumating na yung dalawa.
At pagsakay nila nagsiaimula nanamang mangulit si Toph sa aming lahat."Kuya." Sabi ni Toph.
BINABASA MO ANG
Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETED
RandomBook 1: Kung magiging magkaibigan sila, paano kung ang pag-ibig ay pumasok sa kanilang relasyon? Ano ba dapat ang tama? Pagbigyan dahil magkakaibigan kayo o dapat ipaglaban dahil mas mahal mo taong yun. Book 2: Paano 'pag patuloy mong minahal ang ta...