Kurt's P.O.V.
"Bro!!" Tawag ni Chris sa akin.
Sabay yakap.
"Oh bakit? Wag ka ngang yumakap. Basa ka kaya." Pagrereklamo ko.
Bumitaw siya.
"Natatandaan ko na ang lahat!"
"Weh? Seryoso ka?" Gulat na tanong ko.
"Oo!" Sagot niya.
"Oh sige nga, Saan galing 'to? At kanino mo binigay ang kapareha nito?" Tanong ko kay Chris habang hawak ko yung bracelet na may lock.
"Binili ko dati 'yan kasama ang tulad niyan na may susi. Ibibigay ko lang ang kapareha niyan sa taong pinakamamahal ko at hinding hindi ko iiwan." Sagot niya.
"At sino ang binigyan mo nun?" Tanong ko ulit.
"Si... Mika!!" Malakas niyang sagot.
Natatandaan niya na talaga.
"Kailangan ko siyang tawagan." Nagmamadali niyang sinabi. At hinahanap ang phone niya.
"Luh?! Basa!" Haha. Nabasa yung phone niya.
"Pahiram ng phone mo Kurt." Sabi niya.
"Nasa kotse." Sagot ko.
"Dali. Paheram ako." Utos niya.
"Teka nga. Kumalma ka na muna. 'Pag tawag mo sa kanya anong sasabihin mo?" Tanong ko. At pinaupo ko siya bench. Namatay na kasi yung sprinkler.
"Sasabihin kong naaalala ko na siya." Sagot niya.
"Tapos?" Tanong ko.
"Hmmm..." Tugon niya.
Tumahimik bigla...
"Wala kang maisip 'no? Paghandaan mo kasi muna. Mamaya kung ano pa ang masabi mo." Sabi ko.
"Sige." Sagot niya.
"Teka nga. Wala ka bang pangpalit na damit?" Tanong ko sa kanya.
"Wala. Hinila mo lang naman kasi ako bigla dito eh. Buti na lang pantaas ko lang yung nabasa kaso tumulo hanggang bulsa kaya nadamay yung phone ko." Mahabang sagot niya.
"Haha. Sige. Meron ako sa kotse. Dito ka muna. Kunin ko lang." Sabi ko kay Chris at lumabas ako para kunin sa kotse yung extra kong damit at pantalon.
Pagbukas ng pinto ng kotse. Tumutunog pala yung phone ko.
May tumatawag.Sinagot ko muna.
"Hello? Sino 'to?" Tanong ko.
"Si Steph 'to. Ba't bigla daw kayong dalawa ni Chris nawala dito sa recording? " Si Steph ang tumawag.
Tanda niyo si Steph? Yung singer/dancer na nagtatrabaho sa Crystals? Yung tumulong sa amin nung Birthday Concert dati ni Toph?
"Ahh. Sandali lang. Pabalik na kami. Teka nandyan pa ba si Mika?" Tanong ko.
"Wala na. Umuwi na siya kanina." Sagot niya.
"Ahh. Sige. Salamat." Sabi ko at binababa niya na yung tawag.
Kinuha ko na yung damit sa trunk nung kotse.
Pumasok na ulit ako sa Garden.
"Oh. Eto na." Hinagis ko kay Chris yung damit at pamunas.
"Salamat." Sabi niya at pumasok sa banyo.
Lumabas na si Chris sa banyo.
"Kurt, samahan mo ako bumili ng bagong phone." Sabi niya habang kinukuskos ng towel yung buhok niya. Suot niya na rin yung bracelet. Nalinisan niya na.
BINABASA MO ANG
Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETED
RandomBook 1: Kung magiging magkaibigan sila, paano kung ang pag-ibig ay pumasok sa kanilang relasyon? Ano ba dapat ang tama? Pagbigyan dahil magkakaibigan kayo o dapat ipaglaban dahil mas mahal mo taong yun. Book 2: Paano 'pag patuloy mong minahal ang ta...