Hi Guys!! Nagulat rin ba kayo sa sinabi ni Chris in the end of the last chapter?
Alam niyo ba guys yung feeling na nagkwekwento lang siya pero sa mga sinasabi niya parang sumisikip yung dibdib niyo at nahihirapang huminga?
Yung ganun.. Haha.. Basahin niyo na nga lang itong bagong chapter baka kung ano pa ang masabi ko😊😊..Enjoy po.. Ragards..
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Chris' P.O.V.
"Dahil halos ng kanta kong sinulat ay tungkol sa kanya..." Sabi ko kay Mika.. Hindi ko alam kung tama bang sinabi ko sa kanya yung bagay na yun?
"Ahh.. ganun ba?" Mahina niyang sagot.. At bumaba na siya sa kotse
Alam kong dismayado siya sa sinabi ko.. Pero kailangan kong sagutin baka kasi kung ano ang isipin niya 'pag hindi ko sinagot yung tanong niya..
Hinintay niya akong bumaba ng kotse..Hahawakan ko sana siya sa kamay pero iniwas niya..
Hindi ko na siya pinilit pa.Pumasok na kami ng bahay..
"CJ, nakauwi ka na pala, oh..sino yang kasama mo?" Tanong ng tita ko sa akin..
"Ahh... Ma naman sabing Chris na lang ang itawag sa akin...Si Mika pala girlfriend ko.."Sagot ko sa Tita ko..
"Ma?" Tanong ni Mika sa akin.
"Mama ang tawag ko sa tita ko,dahil siya at ang tito ko na ang nag-alaga sa amin ni Toph nung namatay ang mga magulang namin.." Paliwanag ko kay Mika.
"Hi! Mika ako nga pala ang Tita ni CJ.. Nice meeting you.." Pagbati ng tita ko kay Mika.. Ang kulit naman talaga sabing Chris na nga lang..
"Hi! rin Tita." Bati ni Mika kay Tita at nagbeso-beso sila..
"Ma, nakauwi na ba si Toph?" Tanong ko kay Tita..
"Wala pa siya, akala ko kasama mo siya?" Nagtatakang sabi ni Tita..
"Sandali lang tatawagan ko na siya.." Lumabas ako sandali at tinawagan si Toph..
"Kuya? Bakit ka napatawag?" Sagot ni Toph sa tawag ko..
"Nasa'n ka ba? Gabi na." Sabi ko sa kanya..
"Pauwi na sana Kuya kaso lang.."
"Kaso lang ano?" Tumaas na boses ko..
"Ayaw ako paalisin ni..."
"Nino?!"
"Ni Abby..Kuya.."
Binababa ko kaagad yung phone ko at pumasok sa loob..
"Ma.. dito muna si Mika..susunduin ko lang si Toph sa bahay nila Abby.." Sabi ko kay Tita..
"Sige, mag-iingat ka.." Sabi ni Tita at umalis na ako..
Nagmamadali akong nagmamaneho papunta kina Abby.. Higit sa lahat ayoko sa tulad ni Abby dahil kahit sino basta magiging sikat siya papatulan niya, isa na don ako,si Toph at si Kurt.. Buti na lang talaga nag-research si Kurt tungkol sa babaeng yun..
Habang nagmamaneho nakita ko na yung kotse ni Toph na naka-park sa tapat ng isang bahay..
Pagkababa ko ng kotse.. Kumatok kaagad sa bahay..
"Oh, ikaw pala CJ.." Si Abby ang nagbukas.. Yayakapin niya sana ako pero...
"Wag mo nga akong hawakan,nasaan si Miguel?" Umiwas kaagad ako at tinanong kung nasaan si Toph..
BINABASA MO ANG
Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETED
RandomBook 1: Kung magiging magkaibigan sila, paano kung ang pag-ibig ay pumasok sa kanilang relasyon? Ano ba dapat ang tama? Pagbigyan dahil magkakaibigan kayo o dapat ipaglaban dahil mas mahal mo taong yun. Book 2: Paano 'pag patuloy mong minahal ang ta...