Brotherhood.

58 4 2
                                    


Hi Guys!! Natandaan niyo yung pabitin natin last chapter. Sorry Guys konti lang yun part dito nun. Nilagay ko dito muna yung brotherhood ni Chris at Toph para mas mapaganda ang story.

Vote,Comment your suggestions and, Share.. Thanks and Regards..

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Chris' P.O.V.

"Haaahh..." Umaga na pala.. ako na ang magluluto. Pinuyat ko kasi masyado si Toph.

Hmmm.. Ano kaya ang masarap na maiiluto?

"Brr..Brr.." Nag-vibrate yung phone ko.. May nagtext?

Si Mika??

Mika: 😊Good Morning😊.

Chris: Good Morning din. Aga mo ah..

Mika: Haha.. Sana'y na kasi akong maagang magising kasi magluluto pa ako ng kakainin ko.

Chris: Sakto, ano sa tingin mong masarap lutuin ngayong umaga?😊

Mika: Bakit naman?

Chris: Magluluto ako ng agahan namin ni Toph. Pinuyat ko kasi siya kagabi kaya naman gusto kong bumawi.

Mika: Ahhh.. Ganun ba? Bakit hindi mo nalang iluto ang paboritong pagkain ni Toph?

Chris: Oo nga 'no? Sige.. Salamat😊.

Mika:You're welcome😄.

Nagsimula na akong magluto ng paboritong pagkain ni Toph.

Pagkatapos ng ilang minuto tapos na akong magluto..

Aakyat na ako sa taas para gisingin si Toph. Pagbukas ko ng pinto..

"Kuya!!" Ang sama ng tingin niya sa akin habang hawak ang phone niya. Mukhang nakita niya na yung post ko kagabi na tinag ko sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit mo pinost yung picture?"

"Bakit naman hindi?"

"Kuya naman. Dapat mamaya ka na lang magpost para yung pictures natin sa pictorial nalang ang inilagay mo."

"Ayoko nga,minsan na nga lang tayo nagkakasama dito sa bahay."

"Kuya.."

"Bahala ka,nakatag naman sayo yan kung gusto mo burahin,burahin mo na. Pagkatapos mo diyan kumain ka na sa baba.. nakapagluto na ako." Napikon nanaman ako, kaasar naman lagi na lang ba ganto araw ko??

Bumaba na ako at umupo sa may sala habang nanonood ng TV.

Maya-maya nakita kong bumaba na rin si Toph at dumiresto siya sa kusina.

Tumayo na ako at pinatay ang TV. Maliligo na ako para mamaya sa pictorial. Naglalakad na ako sa may hagdanan ng biglang...

"Kuya!! Thank you!! Thank you!! Thank you!!" Niyakap at hinalikan ako sa pisngi ni Toph.

"Bakit? Anu ba yun?" Tanong ko kay Toph.

"Salamat Kuya sa pagluluto ng paborito kong pagkain.. Ang tagal ko ng hindi nakakakain nito." Sinasabi sa akin yun ni Toph habang yakap parin ako.

"Oo na.. Kumain ka na diyan at pagkatapos maligo ka na rin."

"Opo." Nakangiting sagot sa akin ni Toph.

Bumalik na siya sa may kusina at kumain. Umakyat na ako para maligo at makapaghanda na paalis.

Tapos na ang lahat,ang kailangan na lang ay umalis kami.

Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon