Hi Guys!! Sorry sa late update.. Kailangan muna mag-aral.. Buti ngayon napaaga ng konti.. Hehe..kasi walang pasok..
But here we are making this new update.. Hope you like it..Vote,Comment your suggestions, Share.. Thanks and Regards..
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Mika's P.O.V.
Ano kayang gagawin ko para hindi tuluyang magtampo sa akin si Chris? Nag-aalala na ako,ayaw kong mag-away kami.
"Chris??" Mahina kong bulong.
"Hmm??" Nakahawak na siya sa handle ng pinto palabas ng kwarto..
"Sorry talaga.. promise babawi ako pag-uwi niyo.." Lumapit ako sa kanya at niyakap siya..
"Sige,pangako yan ah?" Humarap siya sa akin..
"Oo, pangako yan." Hinalikan niya ako sa noo at niyakap.
Yie!! Kinilig nanaman ako...
Hinawakan niya ako sa kamay at sabay na kaming bumaba papuntang sala..
Pagdating namin sa sala.. Nandun sila Kurt at Toph.. Mukhang nag-uusap sila..
"Ano pumayag na siya?" Binitawan ako ni Chris at tinanong niya si Toph..
"Hindi pa nga Kuya eh... Kuya Kurt pumayag ka na.." Sagot ni Toph kay Chris at pagpupumilit ni Toph kay Kurt.. Teka nga para saan?
"Ayoko nga.. Bakit ba ang kulit mo?!" Napikon na si Kurt kay Toph..
"Pa'no ba yan Topher?, Hindi pumayag si Kurt.." Pang-aasar ni Chris kay Toph..
"Kuya Kurt pumayag ka na... please please please..." Pagpupumilit pa rin ni Toph kay Kurt..
"Ahhh. Basta pag-iisipan ko.." Sabi ni Kurt kay Toph..
"Ano ba yun?" Hoo.. sa wakas nakasingit rin ako..
"Tungkol yun Ate Mika sa concert ko.. Para pumayag si Kuya dapat magawa ko yung isang kondisyon.." Paliwanag sa akin ni Toph.
"Ano ba yun?" Tanong ko kay Toph..
"Papayag daw siya kapag kasama ko sa concert si Kuya Kurt.."Sabi ni Toph..
"Ganun talaga." Nakangiting sabi ni Chris..
"Oo na Kuya.." Sabi ni Toph..
"Hapon na mga Bro.. uuwi na ako.." Pagpapaalam ni Kurt sa magkapatid..
"Sige, hatid na kayo ni Kuya.. Parehas naman kayo ng uuwian.." Pangbawi ni Toph sa Kuya niya..
"Sige hatid ko na kayo.. Aayusin pa kasi ni Toph yung gamit niya para bukas.. diba?" Pang-asar lalo ni Chris kay Toph..
"Opo." Tumungo nalang si Toph at pumunta sa kwarto niya..
"Ano? Tara na.." Aya ni Chris..
"Sige." Sagot namin ni Kurt..
Nakauwi na kami..
Nakaalis na rin si Chris, hindi niya man lang ako hinatid dito sa kwarto ko sabagay baka nagtatampo pa rin siya..Kinabukasan...
Medyo na-late akong nagising kaya nagmamadali akong lumabas ng condo.. Pupunta ako sa school dahil may dadating na mga bisitang mag-o-observe.. Ang gulo ng school namin ultimo Linggo may pasok?? Pero okay lang konti lang naman daw ang gagawin..
BINABASA MO ANG
Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETED
RandomBook 1: Kung magiging magkaibigan sila, paano kung ang pag-ibig ay pumasok sa kanilang relasyon? Ano ba dapat ang tama? Pagbigyan dahil magkakaibigan kayo o dapat ipaglaban dahil mas mahal mo taong yun. Book 2: Paano 'pag patuloy mong minahal ang ta...