Chris' P.O.V.
Kahit sinabi ni Gerard na wala namang magagawang masama si Abby dahil nandyan ang mga magulang niya. Hindi pa rin ako mapakali dahil si Abby yan, si Abby, ilang beses na kaming napahamak dahil sa kanya.
"Kuya, ligo tayo mamaya sa dagat." Bulong sa akin ni Toph habang kumakain.
"Parang wala ako ngayon sa mood para maligo. Ikaw nalang muna pasama ka na lang kay Kurt." Sagot ko kay Toph.
"Bakit?" Tanong niya habang kumakain.
"Tumingin ka sa may pinto nung resthouse sa kabila." Utos ko kay Toph.
"Bakit?" At tumingin siya sa kabila.
"Hala! Si Abby! Anong ginagawa niya dito?" Nagulat na tanong ni Toph.
"Hayaan mo na lang siya. Di ka aanuhin niyan." Sabi ni Gerard kay Toph.
"Okay." Sabi na lang ni Toph at kumain na ulit.
Ang saya namin habang kumain dahil boodle fight nga. Isang diretso lang ang pagkaing kinakainan namin.
"Gusto ko ng sabaw." Sabi ni Ded. At nilagyan niya sabaw yung kanin niya.
"Oi!! Ded.. Ayaw ko ng sabaw." Sigaw ni Risse..
At pilit na pinipigilan ni Risse yung pagdaloy ng sabaw sa kanin niya.
"Haha.. Kahit anong gawin mo diyan Risse wala ka ng magagawa. Sabaw 'yan, sabaw.." Sabi ni Lester.
"Eh ayaw ko nga ng sabaw Captain." Pagrereklamo ni Risse.
Nasa dulo si Ded kaya nung pagbuhos niya ng sabaw dumaloy na hanggang sa kabilang parte ng table. At lahat ng kanin ay nalagyan na ng sabaw, ayaw man o gusto.. Hahah...
"Your dead." Sabi ni Risse kay Ded habang masama yung tingin niya.
"I know my name is Ded." Haha. Ang kulit talaga ni Ded 'pag nang-aasar. At nginitian niya si Risse na parang inaasar niya pa lalo.
"Ded Marquez!!!" Malakas na tawag ni Risse kay Ded at naghabulan sila sa paligid ng table.
"Haha.. Para kayong bata.." Sabi ni Toph.
Nagpatuloy lang silang naghabulan at nagpatuloy lang kaming kumain..
Sa wakas tapos na kaming kumain at medyo naparami ang kain ko...
Lumapit sa akin si Toph..
"Kuya samahan mo na kasi ako maligo sa dagat." Pilit ni Toph.
"Kayo na nga lang.. Teka.." Sabi ko kay Toph..
"Sinong maliligo sa dagat?" Tanong ko sa kanilang lahat.
"LAHAT TAYO!!!" Sabay sabay lahat silang sumagot.
"Lahat? Seryoso?" Tanong ko.
"Yep.. Lahat.. Walang maiiwan sa mga rest house." Sabi ni Gerard.
"Ha?? Bakit??" Tanong ko ulit.
"Aalis na nga tayo sa isang araw gaganyan ka pa. 'Wagka ngang KJ diyan." Nasabihan pa ako ng KJ ni Gerard.
"Okay.. okay.. Sasama na" Sagot ko na lang..
Biglang may lumapit sa amin na isang mga nasa 40s ang age na babae at kasama niya si Abby kaya medyo umatras ako..
"Are you Guys having fun?" Tanong nung babaeng kasama ni Abby.
"Course Ma'am!" Sagot ni Lester.
Lumapit si Gerard dun sa babaeng nagtanong.
"Everybody, I'm glad you to meet my auntie and the owner of this resort." Pagpapakilala ni Gerard sa auntie niya.
BINABASA MO ANG
Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETED
De TodoBook 1: Kung magiging magkaibigan sila, paano kung ang pag-ibig ay pumasok sa kanilang relasyon? Ano ba dapat ang tama? Pagbigyan dahil magkakaibigan kayo o dapat ipaglaban dahil mas mahal mo taong yun. Book 2: Paano 'pag patuloy mong minahal ang ta...