Hi Guys!! Gonna make a twist in this chapter. Haha. Better just read it Guys..
Enjoy.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••Chris' P.O.V.
Isang linggo na ang nakalipas, isang linggo na rin na wala ako halos pahinga.
Nagawa ko na pala yung kanta,at tulad ng sinabi ni Kurt bago ko pa gawin yung kanta na hindi niya ako tutulungan well hindi niya nga ako tinulungan.. Pero sabi niya siya ang gagawa ng tono kaso mas sanay ako na habang ginagawa yung kanta ay naglalagay na rin ng tono.. Pero sabi niya ulit pagkakita niya nung kanta siya na ang bahala.. Siya na talaga ang bahala.. bahala na siya sa buhay niya..
Same routine pa rin hanggang ngayon ako pero mas madami na akong nakakain dahil si mama na ang nagluluto dahil kinabukasan pa ng birthday ni Toph sila uuwi sa province.
Naging mas mahaba na ang oras ng training ng team namin dahil opening na sa katapusan ng buwan.. Mas maaga na 4am na ang simula kaya mukha na akong zombie..
Pero okay lang may Mika naman akong laging nasa tabi ko kapag kailangan ko siya, kaya biglang nawawala ang pagod ko kapag nakikita ko siya.. At naiintindihan niya lagi kapag hindi kami masyado nagkikita dahil masikip kong Schedule.. As in masikip wala na akong pahinga kahit 15 minutes lang wala na..Huhuhu.. Ano ba 'tong pinasok ko?!!..
...............
Kurt's P.O.V.
Sakit na ng katawan ko. Dahil sa pinaggagawa ko sa buhay ko.
Hoo.. Aayusin ko pa 'tong kanta na ginawa ni Chris..Every other day kami nasa Recording studio 'pag umaga.
Nasa Crystal ako ngayon dahil nga inaayos ko yung kanta ni Chris... 8:30am na rin kasi.. At sigurado nasa nandito na rin si Toph.. at nasa OTW na si Chris.
Tumayo muna ako sa kinauupuan ko.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Steph.
"Kukuha ng inumin, nasa labas ba ngayon si Tophy?" Sagot at balik na tanong ko kay Steph.
"Well.. gan'tong oras nasa loob ng dance studio yun nagpa-practice ng sayaw." Sagot niya.
"Sige." Sabi ko at umalis na ako.
Habang naglalakad sa hallway may nakita akong vendo machine ng inumin.
Sa vendo machine na lang ako bibili ng inumin ko."Later may show po kami." May narinig akong boses sa may gilid ng vendo medyo malayo layo pa pero rinig ko yung boses niya parang pamilyar kaya sinilip ko.
Nakatalikod siya,mukhang may kausap sa phone, maikling buhok na gupit lalaki? Eh ang boses kong narinig kanina ay boses babae.. Ano yun style lang? Pero medyo madami na rin akong nakikilang babae na maikli ang buhok.
Umalis na ako sa may vendo at habang umiinom at pabalik sa recording studio, iniisip ko pa rin kung kaninong pamilyar na boses yung dati..
"OH NO!!" Muntikan na akong masamid nung nantandaan ko kung kaninong boses yun..
Tumakbo ako papunta ulit sa may vendo at nandun pa siya..
"Karen!" Tawag ko dun sa nakatalikod na babae.
Humarap siya at si Karen nga pero pormang lalaki. Bakit?
"Bakit ganyan ang suot at hairstyle mo?" Tanong ko kay Karen.
"Sa tingin mo?" Nakangiti niyang tanong..
"Ken!" Naputol yung sasabihin ko ng may sumigaw sa likod ko.
BINABASA MO ANG
Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETED
RandomBook 1: Kung magiging magkaibigan sila, paano kung ang pag-ibig ay pumasok sa kanilang relasyon? Ano ba dapat ang tama? Pagbigyan dahil magkakaibigan kayo o dapat ipaglaban dahil mas mahal mo taong yun. Book 2: Paano 'pag patuloy mong minahal ang ta...