Start of the Ending.

46 3 0
                                    

Mika's P.O.V.

Pinapapunta ako ni Chris sa likod ng Grand Arena bago magsimula ang concert.

Madali lang naman daw kasi pumasok dahil nasa VIP seat kami.

At may gusto daw siyang sabihin na importante.

Nakahanda na yung susuotin ko para sa pagpunta dun.

..............

Chris' P.O.V.

Magulo pa rin ang isip ko pero kailangan niang dalawa malaman 'to.

Nasa Crystals na kami ngayon for some arrangement.

Hindi ko masusundo si Athena galing airport pero sabi niya dideresto na lang daw siya sa sinabi kong lugar at yung oras.

"Bro!" Tawag sa akin ni Kurt.

Pumunta ako kung nasaan siya.

Kami pang dalawa dito.

"Mamaya na. Mamaya mo na sasabihin ang lahat sa kanila. Bago ang concert." Sabi ni Kurt.

"Yes. Oo nga eh, kinakabahan ako." Sagot ko.

"Okay lang yan. Basta tandaan mo..." Cheerful yung boses niya at lumapit siya sa akin at tinapik yung balikat ko.

"Na pag sinaktan mo ulit si Mika, hindi na kita papatawarin." Naging seryoso yung boses ni Kurt nung binulong niya sa akin yun.

Tumango ako.

Naglakad na ulit kami papunta sa iba pang tao.

"Kuya!! Excited na ako. Kasoo...." Masaya yung tono niya biglang lumungkot.

"Bakit Toph?" Tanong ni Kurt.

"Babalik na ako sa California pagkatapos nito. May pasok pa ako tapos may game pa ang team namin." Malungkot na sagot ni Toph kay Kurt.

"Wag ka mag-alala. Yaan mo. Malapit ka na rin naman makapagtapos. Edi dito ka na magtrabaho pagkatapos mo." Sabi ko kay Toph.

"Kala mo naman dito siya nagtatrabaho." Mahinang pagpaparinig ni Toph.

"Alam mo." Sabay akbay ko kay Toph.

"Syempre dito na ako magtatrabaho. At sabi ni Kuya Sav pwede na ulit akong maglaro dahil magaling na ako base sa results ko bago tayo umalis papunta dito." Sabi ko.

Si Kuya Sav. Or Sebastian Concepcion ay pinsan namin na doktor na nakatira sa California.

"Kuya?! Pagkatapos ko mag-aral at tapusin ang specialization ko. Uuwi kaagad ako dito! Dito ako magtatrabaho. At maglalaro. Ang daya mo!" Sabi ni Toph.

"Sige. Hintayin kita after 5years bro." Nakangiting sabi ko kay Toph.

"Ano ba kayong dalawa nagpapaalmanan na kaagad kayo. May concert pa bago yan." Sabi ni Kurt.

"Okiieee..." Sabi naming dalawa ni Toph.

Pinauwi na muna kami ni Ian.


































"Paano kung ganito? Athena, I'm very sorry. I know I mess things up but...."

"But..but... blah.. blah.. Ang corny mo bro." Pagputol ni Kurt sa sasabihin ko.

Nagpa-practice kami kung ano ang sasabihin mamaya.

"Athena, sor....."

"Corny mo kuya." Pinutol naman ni Toph ang sasabihin ko.

Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon