Kurt's P.O.V.Haaa.. May meeting nga pala kami sa Crystal Music Production Company mamayang 9:30am.. Ano kayang pag-uusapan dun bigla lang ako tinawagan tapos sinabi lang ang ibang details at binaba na.
Tinawagan din ako ni Toph para daw sa bago niyang kanta na ire-record sa music studio ni Chris..
Kaso lang hindi niya sinabi kung kelan masyado siyang busy para sa concert..
"Ring...ring...ring..." Tumatawag si Chris...
"Hello?" Sagot ko.
"Kurt dadaanan na kita mamayang before 9:30am." Sabi ni Chris.
"Ha? Bakit?" Tanong ko.
"Ha? Diba kasama kita sa pagmeet-up sa Mr. Ian at CEO ng Crystal Music Production Company?" Tanong niya... Ha!! Kasama ko siya mamaya sa meeting?Sasama din siya sa concert?!
"Ahhh... ganun ba? Sige sunduin mo nalang ako mga 9:15.." Sabi ko na lang..
"Okay.." At binaba niya na ang telepono..
Kasama ko siya? Kakanta ulit o sasayaw siya?
Kung magbabalik na siya sa Music Industry.. Baka magkita sila nung isa ko dating kabanda na boyfriend ni Karen.. Sana hindi under ng Crystal Productions (Crystal Music Production Company) siya.
Nagligo,nag-aayos at kumain na ako.. Inaayos ko rin yung gitara ko habang hinihintay si Chris..
Maya maya ay....
"Tok..tok..tok.." May kumakatok baka si Chris na yan..
Pagbukas ko ng pinto..
"Hi! Tara na." Nakangiting salubong ni Chris.
"Sandali lang sara ko lang 'tong bahay.." Sabi ko..
"Sige.." Sagot niya..
Pagkatapos kong magsara ng bahay ay bumaba na kami..
"Hindi mo ba muna pupuntahan si Mika?" Tanong ko kay Chris..
"Mamaya na lang.." Sagot niya..
Sumakay na kami sa kotse ni Chris at pupunta sa Crystal Productions..
Habang nasa daan..
"Alam mo ba ang gagawin natin sa meeting?" Tanong ko kay Chris.
" Magkakaroon daw tayo ng secret performance sa Birthday Concert ni Toph." Sagot niya..
"Seryoso?! Bakit kaya ako kasama?"
"Siguro dahil tayo ang magkakasama sa Music Bar dati.. Hehe.." Pagbibiro niya..
Sumama ang tingin ko sa kanya..
"Oh Bakit ganyan ang tingin mo?" Tanong niya..
"Ewan ko sayo para kang baliw." Sagot ko..
"Baliw? Sakit naman nun.." Ngumuso siya bigla..
Nakanguso siya hanggang makarating kami sa Crystal.
Pagpasok namin biglang ngumiti si Chris ng may sumalubong sa aming nagtatrabaho sa Crystal.
"Hi! Mr.Ramos and Mr.Asuncion right?" Tanong niya..
"Yes, and are you?" Sagot at Tanong ni Chris..
"I am Ian Antonio the one just called yesterday.." Pagpapakilala niya..
"Oh..okay.." Sabi Chris..
"So since know each other let's go to the conference room,so we can talk about the concert.." Sabi ni Ian..
BINABASA MO ANG
Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETED
RandomBook 1: Kung magiging magkaibigan sila, paano kung ang pag-ibig ay pumasok sa kanilang relasyon? Ano ba dapat ang tama? Pagbigyan dahil magkakaibigan kayo o dapat ipaglaban dahil mas mahal mo taong yun. Book 2: Paano 'pag patuloy mong minahal ang ta...