New Beginning.

31 3 0
                                    

Kurt's P.O.V.

Pangatlong araw na namin sa rehearsals.

Ang alam ko lagi nang nagkikita at nag-uusap si Chris at Mika simula nung pinag-usap namin sila sa Recording Studio 3 nung isang araw.

Ayos lang naman yun atleast ngayon malaki ang tsansa na bumalik ang ala-ala ni Chris tungkol kay Mika.

Nandito kami ngayon sa Crystals nagrerecord.

Si Chris ang kumakanta ngayon at nanonood si Mika.

Paglabas ni Chris sa recording area ng studio.

"Ang galing mo naman." Nakangiting sabi ni Mika kay Chris.

"Salamat.Tara sa labas, kain tayo." Alok ni Chris kay Mika.

"Sige." Sagot ni Mika.

"Brrr..brrr..brr.." May tumatawag sa phone ni Chris.

"Okay. Sandali lang may tumatawag lang sa akin." Lumabas sandali si Chris.

Lumayo siya. Kaya hindi niya akong napansin na sinundan siya.

"Hello? How are you?" Tugon niya dun sa tumawag sa kanya.

"I'm okay. When can I go there?" Babae yung kausap niya.

"You can go here. Maybe after two days. I have a thing to manage before you go here."

"Is that so? Hmmm. What is the thing that you will manage?"

"A girl? She said she's Mika. The person that I only forgot after the accident."

Manage? Aasikasuhin? Anong meron?
At kaano-ano niya yung babaeng kausap niya?

"Oh! The girl thay Toph said. Your ex-girlfriend? Sure you're not going to come back to her?"

"Yes. I dont think I will believe them. 'Cause Mika's story is so unbelievable. After two days she is already my girlfriend?! And you know you're my one and only so dont be jealous."

Hindi ko na kaya 'tong pakinggan lang. Matagal niya na pa lang ayaw maniwala sa amin. At parang ayaw niya na talagang alalahanin si Mika.

"Chris!!" Malakas na tawag ko sa kanya. Wala masyadong tao sa parte to ng building kaya dito pumunta si Chris para walang makarinig sa kanila.

"Talk to you later." Sabi niya dun sa katawagan at binaba yung phone niya.

"Ahh.. Kurt.. Kanina ka ba diyan?" Tanong niya sa akin na parang nangyari.

"Sino yung kausap mo?" Tanong ko sa kanya na nakakunot ang noo.

"Wala naman. Kaibigan ko lang sa San Diego." Sagot niya. Nagmamaangmaangan pa siya.

"You're playing with Mika's feelings!!" Nagalit na ako sa kanya.

"What feelings?! Hindi naman kami. At wala naman akong sinabi na nanliligaw ako sa kanya." Tumaas na rin ang boses niya.

"Nagbibigay ka ng suspetsya sa kanya na pwede pang maging kayo." Sagot ko.

"Pinapaasa mo siya. Yun yun! Kung hindi mo nararamdaman. Siya nararamdaman niya." Dugtong ko pa.

"Anong ibig mong sabihin?!!" Tanong niya.

"Sumunod ka sa akin." Sabi ko kanya sabay hila papunta sa elevator.

Nasa elevator na kami.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya.

"Kung saan mo maalala ang lahat." Sagot ko.

Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon