Hi Guys!! Na-try niyo na bang magkwento ng gan'tong story over the phone sa pagtawag.. Haha..Yung tipong hindi mo makwento nang ayos kasi tawa ka ng tawa dahil ang corny..Okay,okay back again to the story..
Ano nga kayang mangyayari
MAGKAKABATI o MAGHIHIWALAY?Enjoy reading this chapter..
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Mika's P.O.V.
Gusto ko na talagang kausapin si Chris.. Ayaw ko yung ganito.. nag-aaway..
"Ate Mika..,Ate Mika.., Ate Mika!!" Sa lalim nang iniisip ko hindi ko napansin na tinatawag na pala ako ni Toph..
"Ahhh.... sorry.. Bakit?'' Tanong ko..
"Sumakay ka na muna.. hatid na kita sa pupuntahan ni Kuya.. mukhang may paparating kasi na press.." Pagmamadaling sabi ni Toph..
Sumakay na kaagad ako pagkasabi nuya nun.. Dahil may papunta na ngang sabing mga press.at supporters..
Nakaalis na kami.. Buti na lang hindi kami naabutan..
"Buti na lang hindi tayo nakunan ng picture." Sabi ni Toph habang nagmamaneho..
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Kapag nakunan kasi tayo ng picture magkasama malaking issue yun.. at sigurado akong magagalit si Kuya.."
"Eh teka.. mas bata ka naman sa akin diba?"
"Kahit naman ako mas bata sa'yo Ate Mika..mas matangkad naman ako sa'yo kahit nasa 5'8 ang height mo nasa 6'2 parin ang height ko..Kaya hindi rin sila maniniwala na mas matanda ka sa akin"
Sa bagay nga naman.. Ang tangkad talaga ng magkapatid na ito.. Teka may itatanong pala ako.. Nakalimutan ko..
"Saan nga pala pupunta si Chris?" Tanong ko kay Toph.
"Sa Arena.." Sagot niya..
"Saang arena?"
"Sa Volleyball Arena na pinagpa-practisan ng mga National Volleyball Players.. dapat nga kasama ako dun kaso lang iniwan ako ni kuya.. kaya susunod na lang ako.." Nakangusong sabi ni Toph..
"Bakit ka iniwan?"
"Eh..kasi Ate Mika.. pagpasok palang namin ang dami nang nagkakagulong fans..kaya napikon na siya at umalis.."
"Ahh..yun ba?..kaya kayo kanina parang nag-aaway?"
"Ha?" Mukhang nagulat siya sa sinabi ko..
"Kanina..kasi pagtingin ko sa inyo parakayong nag-aaway.."
"Iba yun.."
"Eh ano yun?"
"Nagseselos siya.." Tumingin at ngumiti sa akin si Toph..
"Ha?!" Ako naman yung nagulat..
Bumalik na siya nang tingin sa manubela..
"Haha..Di ba sabi ko sayo dati.. Mabilis siyang magselos.. Nagselos siya kasi kanina kasama mo si Kuya Kurt.." Paliwanag niya..
"Oh ano naman kung magkasama kami ni Kurt?"
"Wala naman..hindi lang kasi ganun kapalakaibigan si Kuya Kurt eh..kaya baka nagtataka si Kuya Chris.."
"Nagtataka saan?"
"Na ang bilis niyong naging magkaibigan.."
My God.. Baka nga nagseselos siya.. Ay hindi 'baka'.. NAGSESELOS nga talaga..
BINABASA MO ANG
Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETED
RandomBook 1: Kung magiging magkaibigan sila, paano kung ang pag-ibig ay pumasok sa kanilang relasyon? Ano ba dapat ang tama? Pagbigyan dahil magkakaibigan kayo o dapat ipaglaban dahil mas mahal mo taong yun. Book 2: Paano 'pag patuloy mong minahal ang ta...