Hi Everyone!! Kung napapansin niyo na yung halos mga titles natin ay puro tanong. But Guys diba mukhang catchy? Kung hindi naman comment niyo na lang😊😊
Vote, Comment your suggestions and Share. Thanks.. Keep safe..
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Chapter 4: Getting to know??
Mika's P.O.V.
Pagkatapos mag-usap nila Chris at Toph.
"Gabi na hatid na kita sa pag-uwi." Alok sa akin ni Chris.
"Sige." Sagot ko sa kanya. Hindi na ako tumanggi dahil gabi na at malayo 'to hindi ko rin alam kung saan daan pauwi.
"Tara, isasama kita Toph." Sabi niya sa aming dalawa ni Toph.
"Bakit mo ako isasama? Sabi mo kailangan kong magpahinga." Tanggi ni Toph sa kuya niya.
Teka nga wala bang araw na hindi nakakatanggap ng tanggi mula kahit kanino si Chris? Hehe.
"Mas gusto ko na kasama ka dahil mas alam kong ligtas ka."Sabi ni Chris kay Toph.
"Eh para saan pa Kuya yung pagiging champion ko sa mga martial arts? Kung hindi ko rin magagamit." Pabirong sabi ni Toph sa kuya niya.
"Hindi ba ang sabi ko magpahinga!! Bakit mo gagamitin ang mga martial arts mo. Eh di hindi ka rin nakapagpahinga." Tumaas na ang boses ni Chris.
"Opo, sasama na po." Wala ng magagawa si Toph sa kuya niya. Kaya naman sumama na rin siya sa amin.
Nasa kotse na kami ni Chris. Si Chris ang magda-drive, ako sa unahan at, si Toph naman ay nakaupo sa likod.
"Kuya." Mahinang bulong ni Toph sa likod habang nakaupo.
"Hmm?" Kahit mahina narinig naman ni Chris. Kaya sumagot na rin siya.
"Sorry."
"Para saan?"
"Sa mga ginagawa ko, ngayon hinimatay ako kaya hindi ka nakapunta sa training niyo alam ko namang mahalaga sayo yung league na sasalihan niyo."
"Okay lang yun, trabaho ko naman 'to bilang kuya mo." Nakangiting sabi ni Chris sa nagi-guilty niyang kapatid.
"Ay oo nga pala ate, anong pangalan mo?" Tanong sa akin ni Toph.
"Mika." Nakangiting sagot ko sa kanya.
"Haha." Biglang tumawa si Chris.
"Bakit ka naman tumawa Chris?" Tanong ko kay Chris.
"Wala lang, ang tagal niyo na kasing magkasama kanina pero hindi pa pala alam ni Toph ang pangalan mo." Natatawang sagot sa akin ni Chris.
Nakakainis na minsan si Chris pero ang cute na pa rin, kaya okay lang.
"Kuya naman, kakagising ko lang nung dumating ka eh." Nakangusong sabi ni Toph sa likod.
"Saan ka pala nakatira Ate Mika?" Tanong sa akin ni Toph at bigla siyang lumapit sa may upuan ko.
"Sa may A.Condominium sa may labasan diyan." Sagot ko kay Toph.
"Ahh.. Dun ba? Hindi ba kuya doon nakatira si Kuya Kurt?" Tanong si Toph kay Chris. Ha?? Doon nakatira yung lalaking yun??
"Oo, doon siya nakatira pero sa pagkakaalam ko minsan lang siya umuwi dahil sa mga kung anu-ano niyang ginagawa." Sagot ni Chris kay Toph.
"Anong ginagawa niya Kuya?"
BINABASA MO ANG
Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETED
RandomBook 1: Kung magiging magkaibigan sila, paano kung ang pag-ibig ay pumasok sa kanilang relasyon? Ano ba dapat ang tama? Pagbigyan dahil magkakaibigan kayo o dapat ipaglaban dahil mas mahal mo taong yun. Book 2: Paano 'pag patuloy mong minahal ang ta...