Chris' P.O.V.
6am na kaya gumising na kami.
Naligo na at isinuot ang binigay na damit sa amin kanina T-shirt na blue at white ang nakasulat na Pilipinas.
Suot namin ang T-shirt na yun at naka-maong na pantalon at kung lalamigin naman ay yung jacket na white na may maliit na flag ng Pilipinas sa upper leftside.
Wala pa kaming game ngayon, opening lang. Makikita na rin namin dun yung mga makakalaban namin.
After 45 minutes ayos na ang bawat tao sa bawat kwarto.
Sa labas kami kakain. Susunduin daw ulit kami ni Jigs at ihahatid sa isang restaurant ba o fastfood? Ewan ko. Hindi ako sigurado.
..............Day 2..........
"It's game day!" Sabi ni Toph.
Excited na excited siya dahil ngayon na ang first day ng mga games namin.
Nag-training kami kahapon ng tanghali hanggang hapon sa volleyball court nila Jigs.
Lumabas na kami sa kwarto.
Nagsamasama kami.
Lumapit si Lester kay Gerard at Coach Roger.
"Coach, paglalaruin po ba natin si CJ, wala po siyang magandang play kahapon sa training.." Bulong ni Lester sa mga coaches namin pero rinig ko.
"Baka pagod lang siya kahapon. Isasama pa rin siya sa first six." Sagot ni Coach Roger.
At tumango lang si Lester at lumapit ulit sa mga players.
"Ang first six natin ay; Ako,Risse,Toph,Jeff,Ren, at si CJ" Nung sinabi ni Lester yung pangalan ko nagtaka silang lahat.
Dahil wala akong magandang laro kahapon sa training; laging sabit o kaya naman out ang mga service at palo ko, walang magandang receive sa bola at kahit simpleng palo hindi ko ma-block.. Kaya naman hindi na ako magtataka kung nagulat sila.
Ewan ko kung mamaya may maganda na akong laro.
Kumain kami ulit..
At pumunta sa Game Place namin.
Ang daming taong nanonood.
Nagwarm-up na kami.
CJ mali, CJ hindi diyan. Puro kapalpakan nanaman ang naririnig ko simula kahapon sa training.
"Eeerrrr." Tumigil na ang lahat sa pagwa-warm-up.
Bumalik na ang lahat sa kani-kanilang mga team.
At nagsimula magsalita na ang commentators.. At nagtawag na ng line-up..
Nagsisigawan ang lahat sa bawat tawag ng pangalan ng mga players.
Marami ding mga Pilipinong nanonood..
Nasa loob na kaming lahat ng court..
"Go Philippines!! Go Philippines!!" Karamihan 'yan ang naririnig ko..
Nag-form muna kami ng bilog..
"Dalawang talo lang ay tanggal na tayo sa league kaya naman dapat lahat ng games natin ay panalo.. Go Philippines!!" Sabi sa amin ni Lester.
"Go Philippines!!" Tugon ng lahat pero hindi ako nagsalita.
Kami ang first service; Si Toph.
"Christopher Miguel Ramos will be the first to be serving in Philippines." Sabi ng commentators.
BINABASA MO ANG
Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETED
RandomBook 1: Kung magiging magkaibigan sila, paano kung ang pag-ibig ay pumasok sa kanilang relasyon? Ano ba dapat ang tama? Pagbigyan dahil magkakaibigan kayo o dapat ipaglaban dahil mas mahal mo taong yun. Book 2: Paano 'pag patuloy mong minahal ang ta...