Chris' P.O.V.
Pagsikat palang araw. Nakahanda na ang lahat para umuwi. Kahit dapat mamaya pang gabi ang uwi namin.
Nakapila na ang lahat para pumasok sa bus.
"Salamat." Nakangiting bulong ko kay Gerard.
"Okay lang yun. Tutal ako rin ang dahilan kung bakit nakalapit si Abby sa'yo. Dapat una palang alam ko na ang gagawin niya." Sabi niya.
Tumango lang ako at pumasok na kami sa bus.
Ganun parin ang pwesto katabi ko pa rin si Risse.
Habang umaandar yung bus. Sinusubukan ko pa ring tawagan si Mika pero nakapatay pa rin ang phone. Kahit i-text ko siya hindi niya mababasa dahil nakapatay nga o kaya naman yung sim card niya lang.
Kaya sinubukan kong mag-online.
Online siya.. Sinubukan ko siyang i-chat.
Chris: Please talk to me when we see each other.
Na-seen.. Nagta-type na siya.
Mika: I'll try. Kung kaya kita makita pag-uwi niyo.
Sa wakas sumagot na rin siya.
Chris: We're on our way. I'll do anything. Please.
Na-seen niya pero hindi na siya nag-reply.
Doon kaagad ako didretso sa kanila. Dahil doon rin naman ihahatid si Kurt kaya naman nasa daan pa rin.
"Don't worry dude we are all here to support you." Kahit corny 'yan ang sabi sa akin ni Risse.
"Thanks Dude." Sabi ko sa kanya.
Nagpatuloy lang yung pag-andar ng bus. Dalawang oras ang byahe. Nakakaisang oras na kami.
Nakatulog na sila. Pero ako hindi pa rin ako mapakali kaya gising pa rin.
Kailangan ko i-relax ang sarili ko para maayos ang pagsasalita ko 'pag nag-usap kami ni Mika..
Nag-play na lang ako ng music habang naka-headset ako.
.
.
."Chris... sorry kailangan na nating maghiwalay." Mabagal na sabi ni Mika.
"Bakit?... Dahil ba dun sa narinig kagabi sa phone? Kung 'yun nga pangako hinding hindi na ako lalapit kay Abby. Please 'wag kang makipaghiwalay sa akin.." Naluluha kong sabi at hinawakan ko ang kamay niya.
"Hindi dahil dun Chris." Niluwagan niya yung kapit ko sa kamay niya.
"Eh tungkol saan Mika?" Hinigpitan ko ulit yung hawak sa kamay niya.
"May gusto na akong iba." At tinanggal niya na yung hawak sa kamay ko at tumungo siya
"May gusto na akong iba."
"May gusto na akong iba."
"May gusto na akong iba.".
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
...."Waahh!!" Napasigaw ako.
"Hoy CJ! Bakit ka sumigaw?" Tanong sa akin ni Risse.
"Haahh... Sorry... Panaginip lang pala." Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
"Nako. Napanaginipan mo yung girlfriend mo na nakikipaghiwalay sa'yo 'no?" Tanong sa akin ni Risse.
"Ha? Pano mo nalaman?" Balik na tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETED
SonstigesBook 1: Kung magiging magkaibigan sila, paano kung ang pag-ibig ay pumasok sa kanilang relasyon? Ano ba dapat ang tama? Pagbigyan dahil magkakaibigan kayo o dapat ipaglaban dahil mas mahal mo taong yun. Book 2: Paano 'pag patuloy mong minahal ang ta...