Kurt's P.O.V.
"Wait! What? Nililigawan? Sino?" Puro gulat at sigaw nalang ba ang magagawa namin dito?
"Ewan. Ayaw niya ako sagutin nung tinatanong ko siya eh. Sungit sungit nga." Nakanguso niyang pagrereklamo.
"Ganun? Pero may clue ka ba?" Tanong ko.
"Meron." -Eisha
"Sino"
"Si Ate." Nakangiti niyang sagot.
"Ate?"
"Ate Athena malamang. Alangan namang si Ate Carmen may anak na yun. Hahaha." Sagot niya.
"Sorry naman. Pero.. nililigawan? Seryoso?" Paglilinaw ko.
"Oo. Pero baka sila na nung nililigawan niya. Haha." -Eisha.
"Huh? Paano?"
"Kulit mo naman. Well.. Magkwento ka naman tungkol dun sa Mika." Nakingiti niya yung sinabi.
"Di ba wala namang kinukwento sayo si Chris? So... ibig sabihin bawal." Pagtanggi ko.
"Bakit? Dalina kasi." Pagpupumilit niya.
"Nako wag na. Lumabas ka na nga. Dun ka na sa kwarto mo. May pupuntahan pa ako." Sabi ko habang kinukuha ko yung gamit niya.
"Dalina Kurt." Sabi niya pa.
Hindi na ako nagsalita at dinala yung gamit sa kwarto niya at tinulak siya papunta dun.
"Oi! Bago mo ako iwanan. Pahingi muna ng number mo." Utos niya.
"Oh eto." Binigay ko nalang yung calling card ko.
"Baka naman business number mo 'to?" -Eisha.
"Oo, bakit?"
"Pahingi ng personal number mo." -Eisha.
"Wag na. Yan na lang. Sige alis na ako. Wag lalabas kung hindi mo naman alam kung saan ka pupunta. Tawagan mo na lang si Ian." Pagmamadaling bilin ko sa kanya at sinara ko na yung pinto ng unit niya.
Wala rin palang contact sa kanila si Mika dahil hindi na active sa social media. Trabaho at bahay lang yata ang pinupuntahan nun 'pag hindi ako kasama o si Jenny.
And guys! Kwento ko muna kung paano namin nakilala sila Athena at Eisha.
One day.. Hahah..
16 or 17 years ago. Ang tanda ko na pala. Haha 23 lang ako ngayon.
Buhay pa nun yung magulang nila Chris at Toph.
Sa bahay dati nila Chris sa probinsya nila lagi kaming naglalaro. Kaso sabi ni Chris maghanap naman daw kami ng ibang kalaro dahil nagsasawa na siya sa mukha ko at sa pangdalawahang tao na mga laro.
Dahil hindi ako masyado malapit mga tao dati. Lagi lang ako nasa likod ni Chris o kaya naman nakaupo lang habang nakikipaglaro siya sa iba.
Okay na ako nun dahil ayoko naman talaga sa mga ibang tao.
Gabi na pero nasa bahay kami nila Chris. Hinahanap nung mama at papa niya si Toph. Akala nila na kasama namin ni Chris na naglalaro Toph kaya naman hindi sila nabahala masyado.
Pero nung nakita nila na hindi namin kasama at hindi rin namin alam kung nasaan si Toph ay bigla silang nataranta.
Lumabas kaagad sila ng bahay at binuhat ako nung mama ni Chris at binuhat naman siya nung papa niya papunta sa kotse.
Pinaupo kami sa likod at nilagyan ng seatbelt.
Nagsimula na magmaneho ang papa ni Chris.
"Daddy, saan po tayo pupunta?" Tanong ni Chris.
BINABASA MO ANG
Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETED
AléatoireBook 1: Kung magiging magkaibigan sila, paano kung ang pag-ibig ay pumasok sa kanilang relasyon? Ano ba dapat ang tama? Pagbigyan dahil magkakaibigan kayo o dapat ipaglaban dahil mas mahal mo taong yun. Book 2: Paano 'pag patuloy mong minahal ang ta...