Mika's P.O.V.
Nakaupo ako sa table na kasama si Toph,Chris, mama at papa nila, si Kurt at si Eisha Smith na isang singer 'ata.
Nasa garden kami. Dun sa may mga table na pwedeng pagkainan.
Medyo tahimik dito.
Kumakain kami. Wala man lang kibuan. Parang napakaseryoso ng lahat.
Medyo nilalamig na ako. Dahil gabi na rin.
"Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Kurt.
Ngumiti lang ako sa kanya.
Pero sa totoo lang nilalamig na ako. Ba't ba kasi hindi ako nagdadala ng jacket. Buti pa yung iba naka full suit."Hatid na kita pauwi." Alok ni Kurt.
"Sige." Sagot ko.
Tumayo na si Kurt at kinuha na yung gamit ko.
Tumayo na rin ako.
"Alis na po kami." Sabi ni Kurt sa mama't papa ni Chris.
"Hatid mo na sila.." Sabi nung mama ni Chris sa kanya.
"Ahh.. Hindi na po Tita. May dala naman po akong sasakyan." Sabi ni Kurt.
"Sige. Mag-iingat kayo." Sabi nung mama ni Chris sa amin.
Tumango lang ako at naglakad na papunta sa kotse ni Kurt.
Pumasok na kami.
"Anong napag-usapan niyo ni Chris?" Tanong ni Kurt sa akin sabay maneho.
"Wala masyado eh." Sagot.
"Hmm.. Okay.." Tugon niya.
"Alam mo bang naaksidente siya sa Singapore bago sila pumuntang California?" Tanong ko kay Kurt.
Bigla siyang napapreno.
"So... Alam mo na pala." Sabi niya at tinuloy ang pagmamaneho niya.
"Oo. Siya mismo ang nagsabi sa akin." Sagot ko.
"Nalaman ko lang kahapon. Yung naaksidente pala siya. Nagkwento sa akin sila Toph at Lester." -Kurt.
"Ano pa ang alam mo?"
"Wala na." Sagot niya.
"Yung totoo."
"Wala na nga!" Tumaas na yung tono ng boses niya.
"Ahh.. Sorry.. Tumaas na yung tono ng boses ko." Pagpapasensya niya.
Tumango lang ako.
Nandito na ako sa condo. Bumaba na ako.
Pagbaba ko, hindi na bumaba si Kurt at patuloy na lang siyang nagmaneho.
Umakyat na ako sa unit ko.
After 3 days.
Start na daw ngayon ng rehearsals nila para sa concert.
Nasa Ospital ngayon ako dahil duty. Pero nagtatanong din si Kurt kung gusto kong manood sa rehearsals nila.
Kaso parang bigla akong nahiya kay Chris dahil sa mga tanong niya nung nag-usap kami.
"Brrr...brr..brr.." May nagtext.
Jenny: Saan ka pupunta after ng shift mo?
BINABASA MO ANG
Is this a Love Story?(Book 1 and 2)COMPLETED
RandomBook 1: Kung magiging magkaibigan sila, paano kung ang pag-ibig ay pumasok sa kanilang relasyon? Ano ba dapat ang tama? Pagbigyan dahil magkakaibigan kayo o dapat ipaglaban dahil mas mahal mo taong yun. Book 2: Paano 'pag patuloy mong minahal ang ta...