CHAPTER 02 Where it start

1K 32 2
                                    

(a/n: Ito ang love story nila JD at Sandy. High school days ito..)

02

*Flashback

DPRINCESSNEL's POV

5 days na lang bago ang prom night. Kanya-kanyang gimick ang mga estudyante para yayain ang kanilang date. Katulad na lang ni Sandy pumunta pa sya sa tapat classroom ni JD habang wala pa yung teacher nila.

"Sorry to interrupt you guys. Alam kong, karamihan sa inyo busy sa mga ginagawa nyo, tuloy nyo lang yan. I don't mind kung hindi kayo manuod, ang mahalaga mapansin toh ng taong aalayan ko ng kantang ito. Yes, manghaharana ako para sa taong gusto kong maka-date sa prom. Jake Gabriel Del Fierro, this song is for you." Sabi ni Sandy

(NP: A little bit by M.Y.M.P)

Padami na ng padami ang nanunuod kay Sandy. At yung iba vine-videohan na yung pinaggagagawa nya, pero go pa rin sya.

Nung natapos na syang kumanta nakita nya si JD. Kumaway muna sya bago nagsalita.

"Hi. Alam kong masyado kang nabigla sa ginawa ko. Pero ito lang kasi ang alam kong way para ayain kitang maging prom date ko." Pero nag walk out lang si JD.

"Hindi ako sususko , JD. Note that!"

JD's POV

"Naks naman! JD, ikaw na talaga. Tingnan mo, seryoso talaga si Sandy sayo at hinarana ka pa para lang maka-date sa prom. Walang babae ang gagawa nun." Pang aasar ni Lei.

"Para sa isang desperadang katulad ni Sandy, meron! Hindi ba nya naisip na pag-uusapan kami sa buong school dahil sa ginawa nya?"

"Bakit ba ikaw ang problemadong-problemado dyan? Eh si Sandy naman ang nangharana, sya ang dapat na pinaka-nahihiya, at tinalikuran mo pa." Sabi naman ni Sky

"Saan naman kasi kayo nakakita ng babae ang nanliligaw sa lalaki? Tapos may hara-harana pa!"

"Sa inyo." Sabay-sabay nilang sabi.

"Psh. That's not exactly my point. I mean, ang pangit tingnan."

"Eh bakit kasi hindi mo na lang sagutin si Sandy. Maganda, average girl at isa pa, patay na patay sa'yo."

"She's not my type." Sagot ko

"Choosy!" Sabay nilang sabi

"The more you hate, the more you love." Lei

"Saan mo naman nalaman yan?" Sky

"Sa ex ko." Lei

"Baka pag tumigil, dun mo lang mare-realized na kailangan mo pala sya. Bahala ka, ikaw din." Sky

"Psh. Nagpapaniwala ka dun? Hindi mangyayari yun."

Pag uwi ko sa bahay, nagulat ako kung sino ang nakita ko.

"What the hell is she doing here?" - Turo ko sa babaeng naka-upo sa couch.

"Hi." Sabi nya sa akin. Psh. She pissing me off.

"In-invite ko sya for dinner. Sumunod ka na lang samin sa dinning area."

"Tsk." Dumiretso muna ako sa kwarto para magbihis

*Dinning area

Habang kumakain tahimik lang kami pero biglang nagsalita si Dad.

"I saw the video."

"Talaga po?!" Sabi naman ni Sandy na parang hindi nya in-expect. Stupid. Syempre maraming magvi-video ng ginawa nya.

"I knew it. That's why you invited her? Tsk." Sabi ko pero hindi ako pinansin ni Dad.

Square One (DaraGon Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon