CHAPTER 06 Stay

755 25 1
                                        


SANDY's POV

Dahil absent yung prof namin, nandito ako sa mini forest ng school namin. Wala si Ms President, busy ang student council ngayon so ako lang mag-isa.

At gusto kong maging productive today kaya nilabas ko yung sketchpad ko and I started to draw.

F na F ko ang pagdra-drawing ko habang naka indian sit nang may bigla na lang may bumulong sa tenga ko...

"I miss you."

"What the? Ikaw na naman? Pwede ba tigilan mo na nga ako. Nakaka-inis ka na huh."
Pero walang kwenta ang pagtataray ko, instead umupo sya sa harap ko.

"Well, I like you too." Ano daw? Ang layo naman ng sinasagot nya sa sinasabi ko.

"Akin na nga yan!" bigla nya kasing kinuha yung sketch pad ko.

"Ang galing mo palang mag-drawing." Sabi nya habang ang nilalayo nya sa akin yung sketchpad ko.

"And so? Ibigay mo na sakin yan kundi malilintikan ka sakin." Kainis! Bakit ba ang tangkad ng taong to sakin? Short girl problem. TT-TT

"Kiss me, then I'll give this to you."

"Ha-ha! Ano ka sinuswerte? Nek-nek mo! Give me that! Pag yan napunit... naku!" Sabi ko habang pilit na inaagaw sa kanya yung sketchpad ko.

"You're so close. I like that!" Sht! Oo nga noh. Hindi ko napansin.

Nilagay nya kasi yung sketchpad sa likod nya, tapos inaagaw ko diba. Kaya ang tendency parang nakayakap ako sa kanya. Tsk! Galawang breezy.

Hininto ko na ang pag agaw ko sketch pad ko tapos medyo lumayo na sa kanya.

"Ibibigay mo ba yan o hindi?" Tanong ko sa kanya. Umuusok na talaga yung ilong ko sa inis dahil sa lalaking ito.

He shook his head while smiling. Ugh!

"Bahala ka nga sa buhay mo!" Akmang tatayo na ako pero pinigilan nya ako.

"Bilis mo naman sumuko. Paano tayo tatagal nyan?" Pinagsasabi nito??

"Pwede ba! Tigilan mo na yung pang aasar sakin. Ikaw lang ang natutuwa!"

"I'm sorry. Ang cute mo kasi kapag nakasimangot and I can't help myself to teased you more." Aah. So tuwang-tuwa pala sya pag binubwisit nya ako.

"Bakit ka ba kasi nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi nandito puso ko." Tipid nyang sabi ko.

Gusto kong matawa sa sinabi nya pero pinigilan ko lang kasi baka isipin nya, bumenta sa akin yung banat nya.

"Corny mo." Silence. Hahah.

"Hindi ko alam magaling ka pala magdrawing." Pagbabasag nya ng katahimikan.

"Hobby ko to eh. I told you, hindi mo ako kilala."

"I-drawing mo nga ako." Utos nya.

"Ha? Bakit naman? Ano ba kita?"

"Boyfriend."

"Ikaw lang naman ang nag-a-assume. So, we're not official. And if you want me to be your girl. Then, court me."

"And then what? Babastedin mo din ako sa huli."

"Malay natin. Tsaka paano kita magiging boyfriend, eh hindi nga kita kilala."

"But I know you. Besides, pwede mo naman akong kilalanin habang boyfriend mo ako."

"Bakit mo ba to ginagawa? You know what JD, hindi lahat ng gusto mo makukuha mo."

"I can. If I really want to." Sabi nya.

I took a deep breath bago magsalita.

"Hindi ko maintindihan kung bakit pilit mo pa ring pinagsisiksikan yang sarili mo sakin kahit pinagtutulakan na kita palayo."

"Because if you love somenone, you will do everything to make her stay."

"That's not love, JD. Pagiging selfish ang tawag dyan. Paano kung hindi masaya yung taong mahal mo sayo? Pipilitin mo pa rin ba syang mag stay? If you really love someone, let her go." Hindi ko alam kung saan na napupunta ang topic namin. Feeling ko nga nagpi-fliptop battle na kami eh.

"But I'm not like that, Sandy. Hindi ko basta-basta sinusukuan ang taong mahal ko." Sabi nya sabay tayo tsaka umalis. Naiwan akong mag-isa.

"Maiintindihan mo rin kung bakit kita pinagtutulakan palayo." Sabi ko habang tinitingnan si JD na naglalakad palayo.

+++

A/N: Not really good update. Sorry na! Wala lang ako sa mood mag update, wala kasi akong nakasabay na gwapo sa jeep kanina. Lol.

Square One (DaraGon Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon