DARA's POV
Hindi ko alam kung bakit ginagawa ni JD to ngayon, eh alam ko namang ang laki ng galit ng lalaking to dahil sa ginawa ko sa kanya noon.
Huminto kami sa isang building. Lumabas sya ng sasakyan nya at pinagbuksan nya ako ng pinto. Lumapit sya sa akin at kinakabahan ako sa ginagawa nya.
"A-anong ginagawa mo?" Tanong ko habang nakatingin sa ibang direksyon.
Naiilang kasi ako ang lapit ng mukha naming dalawa.
*Click
Tinanggal nya lang pala yung seatbelt ko. Pagkatapos nun, hinila nya na ako papalabas ng kotse.
Pagpasok namin sa building, may bumabati kay JD pero di nya lang pinapansin. At may ibang taong nakatingin din sa amin dahil na rin sa hitsura ko. Kayo ba naman ang tapunan ng pintura. 😢
Nang makarating kami sa loob ng condo unit nya, hindi pa rin sya umiimik. Kaya nainis na ako.
"Ano bang problema mo at bakit dinala mo ako dito?"
"Stay here." Sabi nya tapos pumasok sya sa kwarto nya.
Chance ko na yun para umalis pero hindi ko alam kung bakit sinunod ko sya at hinintay kong lumabas sya ng kwarto nya.
"Nandun yung CR, magshower ka kasi hindi ka mukhang tao. And wear this!" Sabi nya sabay hagis ng damit sa akin. Ang gentleman nya, grabe!
Padabog akong pumunta ng CR. Kahit naman gusto kong magsungit, hindi ito ang tamang time kasi tinulungan nya ako. Kaya magpa-plastikan na lang muna kami.
Pagkatapos kong mag shower, hinanap ko sya pero wala sya. Balak ko na kasing umuwi. Dumiretso ako sa may couch para maupo.
"Nasaan kaya yun? Hintayin ko na nga lang sya dito. Baka sabihin nya naman hindi ako marunong magpasalamat bago umalis."
Habang nililibot ko yung mata ko sa hitsura ng condo nya, nagulat naman ako sa nakita ko sa may bandang bintana nya kaya tumayo ako at lumapit.
Nakita ko yung painting ko. Kinuha ko yung phone ko at kinontact yung number ni Mr. Ayala para ma-confirm ko yung hinala ko.
"Tapos ka na palang mag-shower." Sabi nya tapos biglang nag ring yung phone nya.
Tiningnan nya kung sino ang tumatawag at nakita kong bumilog ang mga mata nya pagkatingin nya sa screen ng phone nya.
JD's POV
"Ikaw si Mr. Ayala?" Tanong nya sa akin. Sht! Bakit ba hindi ko naisip na makikita nya yung painting.
"A-and so?" I act cool para hindi nya mapansing kinakabahan na ako.
"And so?! You fooled me!"
"Is that so? I think, we're even."
"Alam kong sagad sa buto ang galit mo sa akin dahil sa ginawa ko sayo. You're so childish para maisip mong gantihan ako." at ako pa ang childish ngayon?
"Childish? Really huh? Gusto ko lang maramdaman mo yung pakiramdam ng niloko."
"Give me back my painting."
"No." Pagmamatigas ko.
"What?"
"Sabi mo hindi mo na ako kukulitin para maibalik ang painting sayo."
"Sinabi ko yun kasi buong akala ko ibang tao si Mr. Ayala. Give me back my painting."
"Kung gusto mo, mag drawing ka na lang ulit."
Ano ba kasing meron sa painting na yan at gustong-gusto nyang mabalik yan sa kanya.
"Ganyan ba katigas ang puso mo? Bakit ba ayaw mong ibalik yung painting ko?"
"Why is it so important to you? Painting lang naman yun, nagkakaganyan ka."
"Hindi yun basta painting lang!" Sigaw nya at biglang tumulo yung luha nya.
Sht! Nakita ko na naman syang umiiyak. I hate this!
"Ginawa ko yun para iregalo kay Sandy sa birthday namin. Pero hindi ko na naibigay dahil nawala sya. So if you think this is funny, can you just, stop? Give me back my painting at ibabalik ko ng doble yung ibinayad mo."
Tumalikod sya sa akin at papalabas na sana ng unit ko pero nagsalita ulit ako.
"Ganun lang yun kadali?" Humarap sya sa akin after kong sabihin yun
" Masaya ka ba pag nakikita akong umiiyak? And do you actually think I get hurt by your silly revenge? I've been through worse, JD. And you don't know about it." Sabi nya sabay dire-diretsong umalis.
Hindi ko na sya hinabol. I can see pain in her eyes while she's saying those words to me.
What's wrong with that girl?
+++
BINABASA MO ANG
Square One (DaraGon Fanfic)
Fiksi PenggemarSQUARE ONE .... When everything went back to ground zero. Paano kung isang araw maggising ka na lang na 'In a Relationship' ka na with someone na kakakilala mo lang. Hindi man lang kayo dumaan sa getting to know each other stage at ligawan portion...
