Nasa kalagitnaan ako ng klase ng biglang nag-ring yung phone ko... Si JD. Kinansel ko yung tawag. Pero maya-maya, nag ring ulit.
"Ms. Jimenez, can you go outside and answer your phone? Baka emergency yan. Next time, know how to silent your phone para hindi nakaka-istorbo sa klase."
"Sorry po Maam." Sabi ko tsaka lumabas.
[Damn! Bakit ang tagal mong sagutin?]
"Aba! At ikaw pa tong galit? Hindi mo ba naisip na baka nasa klase ako."
[Tsk! Anong oras uwian nyo?]
"4pm. Bakit na naman?"
[Birthday ni Lei. Invited tayo. Susunduin kita.]
"And what made you think na sasama ako sayo?"
[Because I said so. At sasama ka sakin wether you like it or not. Kung kinakailangan kaladkarin kita dyan, gagawin ko.]
Sasagot pa lang ako pero binabaan na ako.
"Bastos tong lalaking to!" Tapos bumalik na ako sa loob. Bahala sya! Tatakasan ko sya.
Nung nag ring na yung bell, dali-dali akong nagligpit at lumabas ng room. Tinatanong nga ako ni Avah kung bakit daw ako nagmamadali, pero hindi ko na sya sinagot.
Maya-maya pa may tumawag ng pangalan ko.
"Sandy!" Geez! Si JD!
Hindi ko sya nilingon, kunwari hindi ko sya narinig. Dalian mong maglakad Sandy. Lakad na medyo patakbo na ang ginagawa ko.
At hindi sapat yung paglalakad ko ng mabilis kasi naabutan nya ako.
"Why are you running away from me?"
"H-huh? Hindi ah. Tsaka hindi ako tumatakbo no! Nag-aano...nag-jo-jogging lang ako. hehe!"
"Tsk! Lame excuse. Let's go! They're waiting for us."
Kinaladkad nya ako tapos binitawan nya ako ng makarating kami sa harap ng kotse nya. Pinagbuksan nya ako tsaka pilit na pinasakay. Daig ko pa ang nakidnap nito.
"Hi Sandy!" Bati ni Sky na nasa likod pala.
"Hello din Sk... Avah? What are you doing here?"
"Hehe. Kasama din ako. bleh!"
Tapos tiningnan ko si JD, maya-maya lumapit sya sa akin.
"H-hoy! Anong gagawin mo?" Iki-kiss ba nya ako? Hindi ba sya nahihiya sa mga kaibigan namin?
Teka nga! Bakit ko ba iniisip na hahalikan nya ako? erase erase!
"There!" Sinuotan nya lang pala ako ng seatbelt. -_-
"What? Expecting something?" Tanong nya sabay nag smirk.
"H-hindi ah. A-ang kapal talaga ng mukha mo!"
"Sabi mo eh."
"I hate you!"
"I love you too." Sabi nya tapos ini-start nya na yung engine.
Yung dalawa naman sa likod ko tiningnan ko ng masama, may something kasi sa smile nila eh.
After 1hr nakarating na kami sa...
"Airport? Anong ginagawa natin dito? Akala ko ba birthday ni Lei?"
"Yes. Sa Bora gaganapin. Hindi ba nabanggit sayo ni JD?" Sky.
Tiningnan ko si JD... hanep! Parang wala lang.
"Pupunta tayong Bora? Pero hindi ako nakapag-paalam." Sabi ko medyo nagpapanic na ako. baka kasi pagalitan ako eh.
"Don't worry Sandy, kaya nga sinama namin si Avah eh." Sabi na naman ni Sky.
"Eh wala akong dalang damit." Tapos may biglang binagsak na bag si JD sa harap ko. bastos talaga tong tao na to.
"Don't worry, Sandy. Pinakuha ko yan sa inyo. Nandyan na lahat ng kailangan mo." Sabi ni Avah sabay nag wink sa akin.
Binuksan ko naman yung bag at tiningnan yung laman, mga damit ko nga!
"Let's go!" Yakag ni Sky.
Gabi na ng makarating kami sa Bora... dumiretso kami ni Avah sa hotel na pagmamay-ari nila Sky. Share kami ni Avah ng room. Nagbihis na kami. Gusto sana ni Avah na mag swimsuit na kaso sabi ko baka magkasakit naman sya. ang lamig na kaya sa labas.
Tsaka sabi naman ni Sky hindi naman kailangan ng formal na damit dun kasi sa Bar kami pupunta. So, nag short na lang ako tapos tinali ko yung buhok ko (yung messy bun).
Sabay-sabay kaming pupunta dun kasi sila Sky at JD lang naman ang nakaka-alam kung nasaan yun. Pagbaba namin sa lobby nandun na agad si JD at Sky, ang bilis naman ng dalawang ito. Hinawakan ni JD yung waist ko tapos nauna na kaming maglakad. Kinilabutan ako sa ginawa nya.
"Wow! May tattoo ka pala sa likod, Sandy? Cool!"
+++
BINABASA MO ANG
Square One (DaraGon Fanfic)
FanfictionSQUARE ONE .... When everything went back to ground zero. Paano kung isang araw maggising ka na lang na 'In a Relationship' ka na with someone na kakakilala mo lang. Hindi man lang kayo dumaan sa getting to know each other stage at ligawan portion...
