CHAPTER 30 Apologize

481 18 2
                                    

SKY's POV

Nandito ulit kami sa condo ni JD. Saan pa nga ba? At kapag nagyaya to sa condo nya, matik na! Inuman na naman.

Ayaw nya ng umiinom kami sa ibang lugar dahil baka paggising nya kaharap nya na naman si ate Janel. Hahaha.

"Anong gusto nyong inumin?" Tanong nya sa amin. Diba? Sabi ko sa inyo eh.

"Pass muna ako." Sabi ko.

"Ako rin. Napapadalas ang inom natin baka magka-liver cirrhosis na ako." Lei

"Naks naman, Lei! Tumatalino ka na." Sabi ko kay Lei.

"Syempre naman. Sinabi sa akin yan ng ex kong medtech eh."

"Psh. Mga weak." Sabi ni JD sabay lapag ng jack daniels sa harap namin.

"JD and JD. Ayos!" Lei.

"Para saan na naman ang pagpupulong na to? At pinatawag mo kami." Tanong ko habang natatawa.

"Huwag kang tumawa dyan, Sky. May kasalanan ka pa sa akin."

"So, nakapag usap na kayo?" Tanong ko sabay smirk.

"Anong pinag usapan nyo?" Lei.

"Wala."

"Talaga? Eh bakit umuusok yang ilong mo?" Pangungulit ko.

"Nakaka-inis! Sya pa tong galit? Eh sya na nga ang nanloko."

"Ano ba kasing nanyari sa pag uusap nyo?"

"Wala. Tinarayan nya lang ako eh. Alam ko na pinagkaiba nila ni Sandy. Si Sandy, sweet at bubbly. Samantalang sya, napaka-sungit. Pinaglihi yata sa sama ng loob."

"Eh diba, kambal sila? Ibig sabihin pinaglihi din sa sama ng loob si Sandy." Lei

"Teka nga! Lumalayo na tayo sa usapan eh. Ano ng nangyari?" Ako.

"Hindi ka rin tsismoso, Sky." Lei.

"Hindi. Curious lang ako."

"Ayun, sinungitan lang ako tapos nilayasan ko pero... blah! Blah!" Tapos kwinento nya lahat sa amin.

(a/n: tamad mag type si author. Hahaha. Sorry na po.)

"ANO? DINALA MO SYA DITO SA CONDO MO??" Sabay naming sabi ni Lei.

"May nangyari ba?" Tanong ni Lei. Sira ulo talaga tong lalaking to. Ang advance mag isip.

"Oo." Nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko.

"Hindi nga?" Tanong ni Lei.

"May nangyari. Nakita nya yang painting na yan." Tinuro nya yung painting.

"Oh anong meron sa painting na yan?" Lei. Wala nga palang alam ang ugok na to.

"Gawa lang naman ni Dara yan. Nagkataon na yang painting na yan, hindi ipinagbibili ni Dara pero hindi alam ng staff yun kaya naibenta pa rin nya kay JD. Binili nya yan pero nagpanggap syang ibang tao. Nung babawiin na ni Dara yung painting naka-isip ng kalokohan tong monggoloyd na to. Ginantihan nya si Dara sa pamamagitan ng hindi pagsipot sa usapan nila."

"Anong tinawag mo sa akin?" Tanong ni monggoloyd habang naka-kunot ang noo nya.

"Monggoloyd. Ano gusto mo, abno?" Ang sarap nya talagang asarin. Pikon kasi.

"Teka, baka kayo namang dalawa ang mag away dyan. Paano mo nalaman ang mga yan? Nagdududa na ako sa kasarian mo, Brad." Sabi ni Lei habang naka hawak sya sa baba nya kunwari nag iisip. Psh. Para namang may utak sya.

"G*go! Lalaki ako. Sinabi lang ni Dara sa akin kaya ko alam."

"Ibabalik mo ba yung painting ni Dara?" Tanong ni Lei.

"No." Matigas na sabi ni JD.

"G*go ka talaga! Hindi ka pa ba nagsasawa? Kawawa na yung tao, ang dami ng pinagdaanan."

"Nagpapa-awa lang yun, at nagpa-dala ka naman?"

"Hindi ko muna sana ipapakita to sayo kasi gusto pa kitang pagtripan kaya lang sobra na yang katarantaduhan mo eh. Awang-awa na ako kay Dara. Ito pag hindi pa nagbago yung nararamdaman mo, babasagin ko yung bote ng Jack daniels sa ulo mo para mamatay ka na."

Nilabas ko yung phone ko tsaka pinanuod ko sa kanila yung video. Vinedeohan ko si Dara habang nag uusap kami nun. Yun yung nag date kami.

"Kawawa naman pala si Dara." Lei

"Ano? Galit ka pa rin ba?" Tanong ko sa kanya.

Hindi nya ako sinagot, tinungga nya yung alak na nasa bote. Lasinggero talaga ang hayop. Hindi pa nangangalahati yung alak at binato nya na sa kung saan.

"Aaaaaaaaaah!" Sigaw nya. Tapos napahilamos sya sa mukha nya at sinabunutan ang buhok. Halatang-halata mong frustrated ang loko.

"You should apologize to her habang hindi pa huli ang lahat. Kung ayaw mo naman, just treat her nicely. Pinaki-usapan ko lang na tapusin nya ang mural at yung about sa magazine bago sya bumalik ng Spain. At malapit ng matapos yun. Pag nakaalis sya, hindi na sya babalik ulit dito sa Pilipinas."

Tapos umalis na ako. May date pa ko, ayokong paghintayin yung girlfriend ko. Mas nakakatakot magalit yun kesa kay JD.

+++

Sorry po sa slow update. Busy lang akez sa werk werk. ✌✌ Bawi ako next time hihihi.

Square One (DaraGon Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon