JD's POV
Flashback...
Spain...
Nasa meeting ako ngayon. At sobra-sobra ang kaba na nararamdaman ko dahil hindi basta-bastang tao ang kaharap ko ngayon.
"Thank you for trusting our company, Mr. Jimenez." Sabi ko sabay offer ng kamay ko sa kanya pero hindi nya tinanggap.
"Our meeting is not done yet, Mr. Del Fierro. We have some important matter to talk to." He paused. Ito na ba yun? "About my daughter."
Mukhang nakahalata naman lahat ng tao dun kaya isa-isa na silang umalis. At naiwan na kaming dalawa. Kahit sobrang lakas ng aircon dito sa conference room, pinagpapawisan pa rin ako.
"I'm not just a businessman but I am also a father that's why we need to talk."
"I know, Sir."
"Let's start to Sandy, alam ko kung paano naging kayo at kung paano mo sya sinaktan. Kaya ko kayo pinaghihiwalay nun kasi mga bata pa kayo. Tapos si Sandy pa ang nanligaw sayo at ano na lang ang sasabihin ng ibang tao kapag nalaman nila yun?"
"I'm sorry, Sir."
"Pinapunta ko si Dara sa Pilipinas noon para tulungan nyang maka-recover ang mommy nya dahil sa nangyari kay Sandy, nakilala ka na naman nya. At hindi ko rin ikinatuwa na nagka-gusto rin sya sayo. Kahit malayo ako sa mga anak ko, I'll make sure na alam ko kung ano ang ginagawa nila. At alam kong nagkakamabutihan na ulit kayo ni Dara."
"Actually, Sir. I came here for Dara not for a business. Ginawa ko lang dahilan yung business. Gusto ko po sanang hingiin ang blessing nyo sa relasyon namin. And I also want to say sorry for hurting Sandy."
"Ang totoo, malaki ang pagkukulang ko sa kanilang dalawa, lalo na si Dara. Kaya ngayon, ginagawa ko ang lahat para makabawi ako sa kanya. Lalo pa ngayon, sya at ang mommy nya na lang ang meron ako. Nabalitaan mo naman na siguro yung totoong nangyari kay Sandy diba?"
"Thank you, Sir."
"I want my daughter to be happy. Pero sa oras na saktan mo ulit ang isa kong anak, hindi ako magdadalawang-isip na gawin ulit yung ginawa ko noon. Promise me, that you will take care my daughter."
"I will, Sir."
"Call me, Tito. Don't be too formal. Kailan ang balik mo sa Manila?"
"Mamayang gabi po."
"Sige. Mag iingat ka."
End of flashback.
+++
BINABASA MO ANG
Square One (DaraGon Fanfic)
FanfictionSQUARE ONE .... When everything went back to ground zero. Paano kung isang araw maggising ka na lang na 'In a Relationship' ka na with someone na kakakilala mo lang. Hindi man lang kayo dumaan sa getting to know each other stage at ligawan portion...
